UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hiniritan siya ng United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon.
Tinukoy ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19.
Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi na bago ang “request” sa kanya ni British Prime Minister Rishi Sunak, dahil ganito rin ang apela ng ibang world leader na kanyang nakapupulong.
“Nagpapasalamat siya sa magandang trabaho ng mga Pilipino’t Pilipina doon sa NHS (National Health Service) noong pandemic at kung puwede ba nating dagdagan. Laging may kasunod na ganyan,” ayon sa Pangulo.
“This is the same thing that comes up every time I meet with leaders,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, tinalakay din ng Pangulo ang politika kay PM Sunak.
“I was commenting that, at least, with his election as leader and now Prime Minister, well magkaroon ng kaunting stability in the UK because medyo magulo, eh ,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Nabanggit ng Pangulo na minsan ng naging biktima ang Pilipinas ng sarili nitong tagumpay, tinukoy ang pangingibang-bansa ng mga filipino nurses at doctors upang maghanap ng mas maayos na job opportunity sa ibang bansa.
Samantala, sinabi ng Pangulo na baka bumalik siya ng UK para sa isang “proper visit” dahil na rin sa naging maiksi lamang ang pag-uusap sa kanyang kamakailan lamang na pagbisita roon.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Global Infrastructure Partners (GIP), kompanyang nasa likod ng “Gatwick Airport’s exceptional infrastructure, technology, and operations.”
Sinabi ni Pangulong Marcos na iniulat ng kinatawan ng British Trade kay Prime Minister Sunak ang panukala ng GIP, hindi naman isiniwalat ni Pangulong Marcos kung ano ang nasabing panukala.
“Sabi niya (Trade representative), ‘Sana matuloy natin , let’s talk about it. And we won’t be able to do it now because we had maybe seven minutes, six minutes,'” ayon kay Pangulong Marcos.
“‘We can’t do it now, but we’ll do a proper trip for you to come to the UK, and we’ll talk about it soon,’ That’s where we ended,” aniya pa rin.
Bago pa lumipad patungong Indonesia, ang Pangulo ay nasa UK para sa koronasyon ni King Charles III.
Bago pa ito ay nanggaling na ang Pangulo sa kanyang four-day official visit sa Washington, DC. (Daris Jose)
-
Trillanes, muli na namang sinopla ng Malakanyang
SINOPLA ng Malakanyang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV nang sabihin nito na ire-reject ng mga botanteng Filipino ang “Duterte brand” sa eleksyon sakali’t magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na sumali at tumakbo sa presidential race. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ang resulta ng 2022 presidential at vice presidential […]
-
1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may […]
-
NCAA desididong magbukas sa Marso 5
DESIDIDO ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5. Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball. Kaya naman sumulat ang pamunuan ng […]