• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukraine president Zelenskiy tinawagan ni Pope Francis; nagpaabot nang panalangin sa bansa – Vatican

IPINAABOT ni Pope Francis kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang kanyang “most profound pain” sa dinaranas ngayon ng bansa, ayon sa Ukrainian Embassy sa Vatican.

 

 

Inanunsyo ng embahada ang pag-uusap na ito nina Pope Francis at Zelenskiy sa pamamagitan ng isang tweet.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga opisyal ng Ukranian Embassy sa Vatican na nangyari ang pag-uusap nina Pope Francis at Zelenskiy bandang alas-4:00 ng hapon (1500 GMT).

 

 

Kinumpirma naman ng Vatican ang naturang pag-uusap at sa kanyang naging tweet ay nagpasalamat naman si Zelenskiy kay Pope Francis sa pagpanalangin ng kalayaan para sa Ukraine.

 

 

Nangyari ang pag-uusap na ito isang araw pagkatapos nang surprise visit ni Pope Francis sa Russian embassy para i-relay ang kanyang concern dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine.

 

 

Pero mariing itinanggi ni Russian ambassador sa isang Argentine media report ang pagpapagitna ni Pope Francis.

Other News
  • Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

    OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.     Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.     Apat na […]

  • 6 heads of state, makakapulong ni PBBM sa US trip

    SINABI ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtungo sa Estados Unidos.     Maliban kasi sa UN General Assembly, inaasahan din ang bilateral meetings ng mga dadalo sa event.     Pero sa hiwalay na pahayag ni Philippine Ambassador […]

  • Maria Ressa nag-‘playing the victim card’- Sec. Roque

    KAAGAD na nahalata ng Malakanyang ang pagiging ‘playing the victim card’ ni Rappler CEO and executive editor Maria Ressa nang banggitin nito ang non-renewal ng broadcast franchise of ABS-CBN matapos na maghain ng “not guilty” plea sa lokal na korte. “It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the […]