Ulat na 70K pupils ang ‘di nakakabasa, ‘exaggerated’ – Briones
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
“EKSAHERADO.” Ito ang naging tugon ni Education Secretary Leonor Briones sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na 70,000 na mga batang estudyante sa Bicol region ang hindi marunong magbasa ng English at Filipino.
Sa Laging Handa press briefing kahapon (Lunes), sinabi ni Briones na hindi nangangahulugang “no read, no write” o “illiterate” ang mga mag-aaral na sumailalim sa pag-aaral ng Bureau of Elementary Education.
Ayon kay Sec. Briones, ang mga sinasabing “non-readers” lalo mula Grade 1 at Grade 2 ay posibleng nakakabasa pero hindi nauunawaan ang binabasa.
Lumobo rin umano ang bilang dahil pinagsama ang mga “non-readers” sa English at Filipino.
Malaking insulto aniya ito sa mga Bikolano lalo’t isa sa kanilang paaralan ang nakakuha ng mataas na rating sa Philippine Informal Reading Inventory o Phil-Iri.
Maaari aniyang mayroong mga estudyante ang nahihirapan na makabasa subalit hindi lubos na nakaiintindi sa kanilang binabasa.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng kalihim na magsisilbing leksyon sa DepEd ang inisyal na resulta ng Phil-Iri study para mapagbuti pa ang literacy rate sa bansa.
Kabilang daw dito ang assessment sa curriculum at pagsasaayos ng mga teaching equipment at materials, gayundin ang pagsasanay pa ng mga guro.
Bago nito, base sa pag-aaral ng PhilRi na isinagawa noong Hulyo at Agosto 2019, lumalabas na 70 percent sa mga batang estudyante ang hindi nakababasa.
Aabot sa mahigit 18,000 na estudyante sa Grades 3 hanggang 6 ang hindi marunong magbasa habang ang natitira ay nasa Grades 1 hanggang 2.
-
VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court
NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso. Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong […]
-
Gobyerno, suportado ang 18-day campaign para tuldukan ang karahasan laban sa mga kababaihan
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taunang 18-Day Campaign para wakasan ang Violence Against Women (VAW). Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang kampanya, tatakbo taun-taon mula Nov. 25 hanggang Dec. 12, binigyan ng mandato ng Proclamation 1172 s. 2006, nakahanay sa layunin ng pamahalaan na panindigan ang karapatan ng […]
-
WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron
Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract. Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant. Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target […]