• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ultimatum sa 7 OVP officials: Dumalo o aresto

DUMALO o aresto! Ito ang ipinalabas na ultimatum ng House Committee on Good Government and Public Accountability laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena para du­malo sa nakatakdang pagdinig ng komite ngayong Lunes, ­Nobyembre 11.
Ang House Blue Ribbon ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
“The committee has summoned these officials multiple times, yet they continue to disregard our lawful requests to appear,” giit ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng panel.
Noong Nobyembre 4, sa bisperas ng pagdinig ng komite, ay umalis sa bansa ang chief of staff ng OVP na si Undersecretary Zuleika Lopez. Naglabas ang komite ng subpoena laban kay Lopez, at anim pang opisyal ng OVP na mayroong alam kung papaano ginastos ni VP Duterte ang confidential funds pero hindi dumadalo sa pagdinig ng Kamara.
Una na ring hiniling ng komite sa Department of Justice na ilagay si Lopez at ang iba pang opisyal ng OVP sa immigration lookout bulletin dahil sa posibleng pag-iwas nila na humarap sa imbestigasyon.
Bukod kay Lopez, kabilang din sa inisyuhan ng subpoena sina Lemuel Ortonio, Rosalynne Sanchez, Gina Acosta, Julieta Villadelrey, at ang mag-asawang Sunshine Charry Fajarda at Edward Fajarda, kapwa ­dating kawani ng DepEd na lumipat na sa OVP matapos magbitiw si Duterte sa nasabing departamento. Sa mga ito tanging sina Sanchez at Villadelrey pa lamang ang nagkumpirma na dadalo.
Nais ng komite na maipaliwanag ng mga opisyal ng OVP ang paggamit ng P500-M confidential funds ng OVP at P125-M ng DepEd. (Daris Jose)
Other News
  • MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

    Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 […]

  • “MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING PART ONE” BOASTS BIGGEST STUNT IN CINEMA HISTORY

    PARAMOUNT Pictures has released an extended behind-the-scenes look for Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in which Tom Cruise is attempting the biggest stunt in cinema history.   Check out the featurette below and watch Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in Philippine theaters July 2023.   YouTube: https://youtu.be/YGrrrdwF9yk   About Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One   […]

  • Ads August 6, 2021