Umano’y massive dropout sa online class, pinabulaanan ng DepEd
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang ulat na maraming estudyante ang nag-dropout sa mga paaralan dahil sa mga hamon sa distance learning.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pinaberipika niya ang report sa kanilang mga regional offices, ngunit wala aniyang nagkumpirma na maraming estudyanteng nag-dropout sa kanilang online class.
Karaniwan na aniyang mabagal ang pagbalik ng mga estudyante sa klase lalo na kung holiday o summer vacation dahil magsisiuwian ang mga ito sa mga lalawigan.
“Nagugulat kami sa balitang yan dahil last week pa namin vinalidate, wala namang reports galing sa mga regions na maraming estudyanteng dropouts,” wika ni Briones.
Inilahad ng kalihim na inaalam na nila kung saan nagmula ang report at naghihintay sila ng numero ngunit wala naman aniyang dumudulong sa kanilang tanggapan.
Hindi naman inaalis ng kalihim ang posibilidad na paninira ito ng mga kritiko para i-discredit ang ipinapatupad na blended learning ng ahensya.
“Wala kaming basehan na maka-conclude na mayroong massive dropouts. Naghihintay kami ng numero sa mga nagsasabi noon, wala naman kaming naririnig na numero. Lahat ng rehiyon pina-report ko last week pa, wala kaming nakuhang information,” anang kalihim.
-
Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19
HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng Cabinet Officer for Regional Development and Security for […]
-
Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita
GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016. Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang […]
-
PRANGKISA MO SA PANGALAN ng IBA! PAYAG KA BA?
Sa public transport mahalaga ang prangkisa. Pag wala ka nito at pumasada ka, colorum ang tawag sayo. Ang prangkisa ay ipinagkakaloob ng Estado sa isang indibidwal para ang holder ng franchise ay ligal na maghanapbuhay sa sektor ng public transportation. Pero dahil apektado nito ang isang uri ng public service – ang public transpo nga – […]