Umano’y pagpasok ng India COVID-19 variant sa bansa, tunay na nakababahala – OCTA
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.
Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw malayo na muli na namang sumirit ang kaso ng nakamamatay na virus tulad sa mga nakalipas na buwan.
Kahit aniya nakakakita na ng pagbaba sa naitatalang COVID-19 case sa Metro Manila ay hindi pa rin ito garantiya na kakayanin ng NCR na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil nananatili pa ring mataas ang healthcare utilization rate.
Sa ngayon ay bumaba na ng 0.74 ang reproduction number sa NCR.
“But at this point, the case level still significant and hospitals are still basically have high occupancies so we cannot really afford another surge at this point in time,” wika ni David.
Dagdag pa ng eksperto na ang bilang ng kaso sa Metro Manila ay nasa downward trend na pero nananatili itong “relatively unstable” sa mga lugar na wala pang pagbaba ng kaso sa mga nakalipas na linggo.
Magugunita na nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa mga indibidwal na magpupunta o manggagaling sa India noong Abril 27. Ito ay bilang pag-iwas ng pamahalaan sa posibilidad na makapasok sa bansa ang Indian variant.
-
Mahigit 300 posibleng ‘areas of concern’ sa halalan inirekomenda ng PNP – DILG
NASA mahigit 300 posibleng areas of concern sa nalalapit na halalan ang isinumite ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern. Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy […]
-
Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. […]
-
VAW, hadlang sa economic dev’t -DBM
SINABI ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang violence against women (VAW) ay isang “significant impediment” sa socioeconomic development. Ipinalabas ni Pangandaman ang kalatas kasabay ng paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. “As a staunch advocate of women empowerment, gender equality and children’s rights, I stand firm in my […]