• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umawat sa away… Magkapatid pinagsasaksak, 1 patay, 1 sugatan

NASAWI ang 36-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar makaraang umawat ang mga biktima sa away sa Malabon City.

 

 

Dead-on-arrival sa Makatao hospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Marlon Dollete, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa ibabang bahagi ng dibdib ang kanyang kapatid na si Flaviano, 27, kapwa ng Blk 15, Lot 17, Karisma Ville, Brgy. Panghulo

 

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na sina alyas Ryan, 18, alyas Joven, 28, at alyas Seth, 27, habang pinaghahanap pa ng pulisya si alyas Samboy, nasa hustong gulang, pawang residente ng Alley 9, Karisma, Brgy. Panghulo.

 

 

 

Sa ulat nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Allan Bermejo Jr kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng Linggo ng gabi nang maganap ang insidente sa Karisma Village, Road 4, Brgy., Panghulo.

 

 

 

Sa pahayag ng mga saksi sa pulisya, nag-iinuman ang mga suspek malapit sa naturang lugar nang isang alyas Roderick na nangungupahan sa isang apartment sa lugar ang nagbabala sa kanila na ikinagalit ng mga ito at hinanap si ‘Roderick”.

 

 

 

Nang makita, sinapak ni ‘Ryan’ sa mukha si ‘Roderick” hanggang sa umawat na ang iba pang mga nangungupahan kabilang ang magkapatid subalit, pinagtulungang hawakan ng tatlo sa mga suspek ang mga biktima bago pinagsasaksak ni ‘Samboy’.

 

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek subalit, naaresto naman sa follow-up operation ang tatlo sa kanila at narekober ang isang bladed weapon (bolo) habang isinugod naman ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Marlon, samantalang inilipat sa TMC hospital ang kanyang kapatid. (Richard Mesa)

Other News
  • After six years, dumating na ang ‘right time’… FAITH, inalala na nag-audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ pero ‘di nakuha

    THANKFUL ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa ‘Black Rider’ bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye.       Hindi raw glamourised drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena si Yassi Pressman at […]

  • Maria Ressa ‘abswelto’ sa 4 na tax evasion cases — korte

    INABSWELTO ng First Division ng Court of Tax Appeals si Rappler CEO Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na kaso ng tax violations na inihain pa noong 2018.     Miyerkules nang ibaba ng CA ang hatol sa Nobel Laureate at RHC tungkol sa mga kasong nakabinbin pa simula noong nakaraang administrasyon ni […]

  • Dahil mas nag-grow bilang aktres nang maghiwalay: THEA, nagpapasalamat pa sa ex-boyfriend na si MIKOY

    NAGPAPASALAMAT si Thea Tolentino sa ex-boyfriend na si Mikoy Morales dahil mas nag-grow pa raw siya bilang aktres noong maghiwalay sila.       “Nag-break kami because na-feel ko na I can grow more as a person, but not together,” sey ni Thea sa pag-guest niya sa programang ‘Lutong Bahay’ sa GTV.     Ayon […]