Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.
Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang nasabing misa sa Church of the Gesu sa Ateneo De Manila University, Quezon City.
“Our family’s story has been compared to a roller coaster many times. We have had lots of highs and probably an equal number of lows. Our highs would be comparable to yours, but our lows were extraordinary. There were times when we felt like we were a deadly virus, worse than COVID. Our mother bore the brunt of that and later, Noynoy did,” ani Ballsy Aquino-Cruz, kapatid ni Noynoy, Biyernes.
“May you always believe just as I do–that the Filipino is really worth fighting for, that the Filipino will indeed rise up to the occasion, that God has a good plan for all of us… Know that this is just a phase”.
[“Nawa’y lagi kayong maniwala tulad ko–na ang Pilipino ay talagang karapat-dapat na ipaglaban, na ang Pilipino ay talagang babangon sa okasyon, na ang Diyos ay may magandang plano… para sa ating lahat… Alamin na ito ay isang yugto lamang.”
Dumating din sa misa sina outgoing Vice President Leni Robredo, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Sen. Franklin Drilon at dating Interior secretary Mar Roxas.
Nagtapos ang okasyon sa isang tribute video kay Noynoy upang balikan ang mga natatanging legasiya at kanyang mga ginawa noong siya ay nagsilbi sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Matatandaang pumanaw si “PNoy” noong Hunyo 2021, matapos iulat na isinugod siya sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa kanyang death certificate, renal disease secondary to diabetes ang kanyang ikinamatay.
Ang sinabi ni Ballsy ay reference mula sa 1980 speech ni kanilang ama, dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa New York nasa Martial Law ang Pilipinas sa ilalim ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Binaril si Ninoy sa Manila International Airport sa pagbabalik niya sa Pilipinas noong 1983 matapos wakasan ang self-imposed exile sa Amerika. Nagbigay ito ng panibagong sigla sa oposisyon na nagtulak sa pag-aalsang People People noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos. (Daris Jose)
-
9-month infra spending, tumaas ng halos 12% ngayong 2024
LUMAKI ang gastos ng national government para sa imprastraktura ng P1.142 trillion mula Enero hanggang Setyembre,. Sa katunayan, tinukoy ang pinakabagong data, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ito ay umabot sa 11.9% mas mataas kaysa sa P1.021 trillion na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon. Sinabi pa […]
-
Indonesia may bago ng capital city
PINALITAN na ng Indonesia ang kanilang capital na mula sa dating Jakarta ay inilipat na nila ito sa Kalimantan. Matatagpuan ang Kalimantan sa mala-gubat na lugar sa silangang bahagi ng Borneo Island. Ang nasabing hakbang ay inaprubahan ng mga mambabatas dahil sa dumaraming mga naninirahan na sa Jakarta at nagiging political […]
-
Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate
TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate. Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate. Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]