• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang araw ng enrollment nakapagtala ng 2.8-M nakapagrehistro – DepEd

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 2.8-million na mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakapagrehistro na sa unang araw ng enrollment para sa nalalapit na bagong school year.

 

 

Ayon sa DepEd nasa kabuang 2,808,779 ang mga nakapag-enroll hanggang kagabi, na mas mataas sa 1,443,666 na mga learners kahapon ng hapon.

 

 

Samantala wala namang naiulat ang DepEd na mga major issues o mga untoward incidents sa ginaganap na nationwide enrollment process.

 

 

Pinasalamatan din ng education department ang mga personnel nito, mga volunteers, at mga stakeholders dahil sa maayos na proseso ng enrollment.

 

 

Ang pagsisimula ng registration process ay batay na rin sa DepEd Order Number 35, na nagtatakda sa timeline para sa enrollment ng School Year 2022-2023 mula nitong July 25, hanggang August 22, 2022.

 

 

Ipinaalala ng DepEd na ang enrollment ay maaring gawin in-person, sa pamamagitan din ng remote, o kaya sa mga drop box forms.

 

 

Ang mga Alternative Learning System (ALS) learners naman ay pinapayagan na mag-enroll physically o online.

 

 

Ang School Year 2022-2023 ay magsisimula na sa August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.

 

 

Batay pa sa patakaran ang blended learning schedule at full-distance learning ay papayagan naman hanggang October 31.

 

 

Gayunman ayon sa DepEd simula sa November 2, lahat ng mga public at private schools sa bansa ay magta-transition na sa limang araw na in-person classes. (Daris Jose)

Other News
  • Walang dahilan para ipagpaliban ang Negros Oriental barangay, SK polls-Abalos

    WALANG  nakikitang dahilan si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Negros Oriental kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan  nito lamang weekend.     Sinabi ni Abalos na ang lalawigan ay mapayapa  sa loob ng apat na buwan matapos na patayin si dating governor Roel Degamo, tinukoy […]

  • MAG-INA ARESTADO NG NBI DAHIL SA ROBBERY EXTORTION

    ARESTADO ang dalawang indibidwal ng mga ahente ng NBI- National Capital Region (NBI-NCR) sa  entrapment operation dahil sa kasong  Robbery Extortion sa Sta. Mesa, Maynila.     Kinilala ang mga naaresto na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena.     Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa  […]

  • Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila

    IPINAG-UTOS ni Manila ­Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.     Ang direktiba ay ibinigay kay  Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa […]