• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang

WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility.

 

“Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na yang shipment na yan sa eroplano galing sa Brussels [Belgium] papunta ng Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna nang napaulat na ang Pfizer vaccines ay darating sa bansa nito lamang Pebrero 15.

 

Prayoridad sa unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccines na darating sa Pilipinas ang mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.

 

Ito ang sinabi ni Sec. Carlito Galvez Jr. ngayong Martes. Aniya, 117,000 lang na doses ng Pfizer vaccine ang inaasahang unang darating sa bansa kalagitnaan ng Pebrero, sa pamamagitan ng COVAX Facility ng World Health Organization.

 

Pero ayon kay Galvez, sapat na ito para sa mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila na nasa 56,000 ang bilang.

 

May sobra pa na maaaring ibahagi sa health workers sa Cebu at Davao.

 

Kasama sa priority hospitals ang Philippine General Hospital sa Maynila, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan, at Lung Center of the Philippines at East Avenue Medical Center sa Quezon City.

 

“Kasi maliit lang ‘yung portion ng Pfizer, 117,000 lang po ‘yun, as much as possible, sa hospital institution lang po ‘yun muna… especially ‘yung COVID referral hospitals… ‘Yung Pfizer kasi mataas ‘yung kaniyang efficacy maganda po ‘yun sa healthcare workers,” ani Galvez.

 

“Considering na this is COVAX Facility vaccines, kailangan ma-ensure po talaga na pagka nakita ng WHO na ini-implement po natin ‘yan, dadagdagan po nila ‘yan. Pero pagka ginawa natin may mga privilege tayong ginawa na hindi natin binigay sa ating frontline COVID referral hospital, ang mangyayari ika-cut nila ‘yan,” dagdag pa ni Galvez.

 

Inaasahan ding darating ngayong buwan ang bahagi ng 5.5 million hanggang 9.2 million doses ng bakuna mula AstraZeneca para sa Pilipinas sa unang hati ng taon, sa ilalim pa rin ng COVAX Facility.

 

Ani Galvez, pwede naman itong gamitin para sa mga vaccinator at iba pang health worker.

 

Halos sabay darating ‘yan eh, ‘yung Pfizer at sa AstraZeneca. ‘Yung AstraZeneca pwede natin ibigay ‘yun sa vaccinators natin,” ani Galvez.

 

“I-limit muna sa major areas so we can handle it perfectly,” dagdag niya.

 

Paalala ni Galvez sa mga lokal na pamahalaan, ihanda na ang cold storage at tiyaking professional ang handling ng mga bakuna para maiwasan ang wastage o pagka-panis, tulad ng naranasan sa ilang bansa.

 

“’Yung hindi unprofessional handling, pag hindi professional ang naghahandle ng vaccine, at hindi nila alam ang cold storage handling, magkakaroon tayo ng wastage, ‘pag nagkaroon ng brownout, at walang back up to the backup,” aniya.

 

“Mayroon nakatutok talaga na special task group na doon lang nakatutok sa COVID-19 vaccine,” dagdag ni Galvez.

 

Mainam din umano kung may 30 porsyento na reserve sa listahan ng mga babakunahan kada araw, sakaling hindi dumating ang mga nasa priority list.

 

“Pag tinanggal sa warehouse ‘yan hindi na puwedeng ibalik ‘yan. sa pagpaplano, kailangan may 1/3 na reserve. Kung walang dumating, mayroon tayong reserve na iva-vaccinate,” ani Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Letran target ang 8th win

    PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na ma­sikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.   Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal […]

  • Latest photo ni ANGEL, pinagpiyestahan na naman ng netizens

    NAGBA-VIRAL ang latest picture ni Angel Locsin na kuha ng isang netizen nang makasabay nitong magsimba o magpunta sa simbahan ang aktres.   In fairness sa kumuha ng picture, natuwa ito na nakita si Angel at gandang-ganda rito. Hindi niya binaggit o binigyan man lang ng pansin kung chubby o tila mas nadagdagan pa ang […]

  • Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya

    INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.     Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.     Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]