• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.

 

 

Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.

 

 

Alinsunod sa batas, makatatanggap ng P10 milyon si Hidilyn mula sa gobyerno matapos manaig sa women’s 55kg catagory nitong Lunes.

 

 

Tig-10 milyon din ang makukuha niya mula sa mga dambuhalang negosyante na sina Manny V. Pangilinan ng PLDT at Ramon Ang ng San Miguel, maliban pa sa P3 milyong cash prize mula kay 1-Pacman party-list Rep. Mikey Romero.

 

 

Makakakuha rin ng karagdagang P2.5 milyon si Diaz mula sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga, dahilan para lumobo ang kanyang total cash prize sa P35.5 milyon.

 

 

Makatatanggap din ng bahay at lupa ang Filipina Olympic hero sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino. Si Tolentino ay kinatawan ng Ika-8 na Distrito ng Cavite sa Kamara.

 

 

Maliban sa pagdaig sa Tsinang si Liao Qiuyun, na-clear niya ang 127kg sa kanyang huling buhat para sa clean and jerk at nagtapos sa kabuuang bigat na 224kg, na parehong record sa Olympics.

Other News
  • Kahit sikat na sikat ng fashion icon: HEART, enjoy pa rin sa simple things tulad ng pagkain ng fast foods

    SA kabila ng pagiging glamorous celebrity ni Heart Evangelista, attending one fashion show after another sa abroad, in reality, enjoy pa rin siya doing simple things, tulad nang pagkain sa mga fast food. Nakita nga siya ng ilang Filipino fans, na kasama niya ang mga big stars and her glam team sa Milan Fashion Week, […]

  • Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas

    Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.     Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury.   Si Go ang top overall pick sa special Gilas round ng […]

  • Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility

    IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.   Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang […]