• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang pagkatalo ngayong preseason, nalasap ng defending champion na Celtics mula sa Raptors

IPINALASAP ng Toronto Raptors sa Boston Celtics ang unang pagkatalo ngayong preseason sa kabila ng comeback effort ng defending champion.

 

 

Sa unang quarter pa lamang, nagpaulan na ang Raptors ng 46 points habang 27 points lamang ang naging ganti ng Celtics.

 

 

Gayunpaman, bumangon ang Celtics sa ikalawang kawarter at nagbuhos ng 40 points kontra sa 20 points na nagawa ng Raptors, daan upang lumamang ang Celtics ng isang puntos.

 

 

Pagpasok ng 3rd quarter, muling bumalik ang sigla ng Raptors at nagpakawala ng 31 points habang 19 points lamang ang sagot ng Celtics.

 

Pagpasok ng 4rth quarter, tinangka ng Celtics na lumamang gamit ang 32 last quarter points, ngunit hindi naman nagpabaya ang Raptors at binantayan ang comeback effort ng 2024 NBA Champion. Natapos ang laro sa score na 119 – 118, pabor sa Toronto.

 

 

Nagpakawala ng 26 points, 10 assists, at 9 rebounds ang forward na si Scottie Barnes habang 27 points naman ang naging ambag ng guard na si Gradey Dick.

 

 

Sa Boston, bagaman preseason games pa lang, ibinabad si Jayson Tatum ng 34 mins. at gumawa ng 24 pts. at 8 rebounds. Nagbuhos din ng 23 points ang guard na si Derrick White.

 

 

Bago ang naturang laban, apat na magkakasunod na game ang naipanalo ng Boston habang ito naman ang ikalawang panalo ng Raptors, hawak ang dalawang pagkatalo.

Other News
  • Pinaiyak sila ng mga anak dahil sa ‘Moon River’: ALFRED, humingi ng dasal sa maselang pagbubuntis ni YASMINE

    SA latest Instagram post ni Councilor Alfred Vargas, ibinahagi niya ang video ng recital ng dalawang anak na sina Alexandra and Aryana na kung saan mapuso nilang kinanta ang “Moon River”.     Simula ng caption ng aktor ang part ng kanta na talaga namang nakaka-touch at isa rin sa favorite song namin mula nang […]

  • Ads June 22, 2024

  • PCSO bukas sa pagdinig ng Senado

    BUKAS ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado sa mga nanalo.     Ito ang tugon ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama.     Sa partners forum sa Philippine Columbian […]