• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang producer na sumugal sa movie nila ni Gladys: JUDY ANN, labis-labis ang pasasalamat kay Mother LILY

IBINAHAGI ni Jed Madela ang mga larawan na kuha sa kanyang pagbisita kay Queen of All Media Kris Aquino, na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

 

 

 

Sa post ni Jed sa kanyang IG, may caption ito ng, “Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh & Bimb. So happy to see her!

 

 

 

“We had a lot of catching up to do.”

 

 

Marami nga ang natuwa sa ginawang pagdalaw ni Jed, pero mas napansin ng netizens ang muling pagpayat ni Kris, na kanilang labis na ikinababahala.

 

 

Ilan sa mga komento nila:

 

 

“Sad. Paiba iba ng condition si Kris A. Ngayon ang payat nanaman nya. Nung interview with OD (Ogie Diaz) medyo okay ang built nya dun. Hope she get better soon.”

 

 

“She Just had her interview with Ogie Diaz lately diba? Mas better itsura niya dun. After a few months iba na ulit.”

 

 

“Sad result nga daw yung ginawang blood test kaya napabalik uli dun si Josh at Bimby.”

 

 

“Pumayat sya lalo God bless miss Kris.”

 

 

“Lalo sya pumayat maka uwi pa kaya sya.”

 

 

Samantala, isa nga si Jed sa favorite male singer ni Kris, at palaging nire-request kumanta sa show niya rati sa ABS-CBN.

 

 

Ipagpatuloy pa rin nating ipagdasal si Kris na bumuti na ang kanyang kalagayan, para makauwi na rin siya ng Pilipinas, at dito na tuluyang magpagaling.

 

 

***

 

 

MAY madamdaming mensahe ng pasasalamat si Judy Ann Santos-Agoncillo para kay Mother Lily Monteverde, na pumanaw noong ika-4 ng Agosto, anim na araw lang ang nakalipas ng mamatay ang kanyang asawa na si Father Remy Monteverde.

 

 

Mababasa sa IG post ni Juday na kalakip ang kanilang larawan, “My dearest mother Lily.. if i remember it right, this was our last photo together when we had our meeting for your biopic before the pandemic happened.. i could still remember how tight you embraced me when i arrived..”

 

 

Pag-alala pa ng award-winning actress, “all my firsts in showbizness was under you. My first teleserye “kaming mga ulila” and the only producer na sumugal sa amin ni gladys para gawin ang pelikulang “sana naman”.. and the rest is history..

 

 

“Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra..

 

 

“And for that.. i will forever be grateful for your trust and love.. andito ako sa industriyang to, dahil sayo.. thank you mother.. fly high and enjoy walking around the heavens with father.. we love you soo much! 🙏🏼❤️”

 

 

Kahapon, nagsimula ang memorial service para kay Mother Lily sa 38 Valencia Events Place at sa Sabado, Agosto 10 naman ihahatid ang kanyang labi sa The Heritage Park sa Taguig City.

 

 

Sa statement na pinost ng Regal Entertainment, nare-request ang pamilya Monteverde na ipagdasal ang yumaong film producer.

 

 

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NAGPAHAYAG ng kanyang taos-pusong pagbati si Navotas Representative Toby Tiangco kay Most Rev. Pablo Virgilio David, Roman Catholic Bishop ng Kalookan at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, sa kanyang pagkakatalaga bilang Cardinal.   “Having served as a priest for 41 years and a bishop for 18, Cardinal David has consistently dedicated his […]

  • PDU30 wala pang susuportahang kandidato sa pagka-presidente

    INANUNSIYO  ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagka-presidente sa ngayon.     Ayon kay Duterte, halos lahat ng tumatakbong presidente ay naghahangad ng kanyang endorsement.     Bagaman at lahat naman ng tumatakbo ay kuwalipikado, may mga kandidato aniya na iba ang ideolohiya.     Hindi naman pinangalanan ni Duterte kung […]

  • SSS tumatanggap na ng aplikasyon sa online para sa unemployment benefits

    Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng COVID-19 pandemic.   Binuksan na ngayon ng SSS ang pagtanggap sa aplikasyon online para sa unemployment benefit.   Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maaaring mag-qualify para sa unemployment benefits ang […]