Unemployment bumaba noong Marso – PSA
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.42 milyong Pinoy na walang trabaho noong Marso.
Kasunod nito, umakyat naman sa 95.3% ang employment rate o katumbas ng 48.58 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.
Habang ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 11.2% na mas mababa sa 12.9% kung ikukumpara noong Pebrero 2023.
Kabilang sa mga sektor na may malaking pag-angat sa employment noong Marso ang construction, transportation and storage, mining and quarrying, manufacturing at admin and support service.
Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ang sektor ng wholesale at retail, agriculture at forestry, at pati na ang accommodation and food service activities. (Daris Jose)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 20) Story by Geraldine Monzon
DAHIL bigo ang mga naunang plano ay nagdesisyon na si Cecilia na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Bernard. Muntik nang maibuga ni Bernard ang hinigop na kape nang biglang lumuhod sa harapan niya si Cecilia at umiiyak na nagsabi. “Mahal kita Sir Bernard. Mahal po kita. Huwag mo po akong iwan!” […]
-
SA 45th SEASON: 1 PBA TEAM, ‘SIKRETONG’ FOR SALE
MAAARING magkaroon ng isang independiyenteng koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) kapag natuloy ang negosasyon ng isang malaking kampanya na matagal nang atat na makatuntong sa unang propesyonal na liga sa Asya at sa bansa. Hindi lantaran ang posibleng pagbebenta sa isang prangkisa sa liga dahil lahat halos ng mga koponan ay patuloy ang […]
-
Kahit in-announce na magtatapos na ngayong Agosto: Hit action-serye ni COCO, ‘di pa rin tinatantanan ng mga kritiko
KAHIT na may anunsiyo na si Coco Martin noong Biyernes, July 21, na magtatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano after a magnificent seven-year run, hindi pa rin ito tinatantanan ng mga kritiko. Tama lang daw na magtapos na ang palabas. Sawa na raw sila sa panonood ng actions series ni Coco. Sabi nung […]