‘Unity’ tema ng 19th Congress
- Published on May 17, 2022
- by @peoplesbalita
UNITY o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kay ret. Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naging hayagan ang pagbatikos noon kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Sandro ay panganay na anak ni BBM.
“So thats what we all are about. We are about the House of the people, the House of Representatives of the Phiippines. We are for every Filipino. No more colors no more politics work,” ayon kay Romualdez, Presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).
Kasabay nito, nanawagan si Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas na kalimutan muna ang magkakaibang kulay ng pulitika upang mapagbuti ang trabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino. (Daris Jose)
-
HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA
MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes. Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera […]
-
Anti-Terrorism Act of 2020: Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao
Nilagdaan na ni President Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) noong Biyernes. Ito ay sa kabila na maraming tutol sa batas sapagkat marami raw probisyon dito na maaaring maabuso ang karapatang pantao. Wala rin umano sa tiyempo ang pagkakapasa nito at halatang minadali ng mga mambabatas. Ang masaklap pa, ayon […]
-
Ads August 2, 2023