• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Universal vaccine cards hinihirit

Dapat magkaroon na ng universal vaccine cards na magpapatunay na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at kikilalanin maging sa labas ng bansa.

 

 

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na hindi umano kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong ang vaccine cards ng mga Overseas Filipino Workers na bigay ng mga local government units.

 

 

Ayon kay Roque, sa pagkakaalam niya ay gumagawa na ng paraan ang International Air Transport Association (IATA) at iginiit na niya sa Department of Health na makipagtulungan sa World Health Organization para magkaroon ng standard vaccination cards na tatanggapin ng lahat.

 

 

Iminungkahi rin ni Roque ang paggamit ng yellow quarantine book na ibinibigay ng Bureau of Quarantine na maaring magamit sa paglabas ng bansa.

 

 

Nangako rin si Roque na isasangguni niya ang isyu sa Inter-Agency Task Force para sa pagpapalabas ng vaccination cards na kikilalanin sa ibang bansa katulad ng kanyang yellow card. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads November 14, 2023

  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]

  • DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info

    INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan.   Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform […]