Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkaka-delay sa releases ng naturang pondo.
Base sa ulat ng Office of the President na ipinalabas noong November 3, 2020, sa P140 bilyong nakalaan para sa Bayanihan 2, tanging P76.2B lamang ang naipalabas.
Dagdag pa dito, nasa total na P39.4B nakalaan bilang kapital sa mga government financial institutions (GFIs) na itutulong sa mga micro-small-medium enterprises mula sa economic impact ng COVID-19 pandemic at dagdag trabaho ay hindi pa umano nakakarating sa mga dapat na benepisaryo nito.
“The pandemic is now only a month shy from reaching its first year and the country is still reeling from the impact of an economic nosedive. If we don’t act on this, the economic revival we all hope for will not materialize,” ani Garin.
Sa 4.5 milyong nagtatrabahong pinoy na nanganib mawalan ng trabaho, layon ng imbestigasyon na mabigyang liwanag ang posibleng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa. (ARA ROMERO)
-
PBBM sa AFP, tiyakin ang mapayapang BARMM Parliamentary elections
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu na tiyakin na makapagdaraos ng mapayapang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon. Kailangan na ang BARMM parliamentary elections ay mapayapa at ligtas, ang sinabi ng Pangulong […]
-
Lahat ng Pinoy, ‘deserve’ ang equal access sa legal assistance – CHR
DESERVE ng lahat ng mga Filipino partikular na ng ‘marginalized, disadvantaged, at vulnerable’ ang equal access sa legal assistance. Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) kasabay ng pagsuporta nito sa pagpapasa ng Senate Bill (SB) No. 2955, o mas kilala bilang “Hustisya Para sa Lahat Act (Justice For All Act).” Si Sen. […]
-
Ads December 17, 2022