Unvaccinated vs COVID-19 puwede pa ring bumiyahe pero bawal sa pampublikong transportasyon – DOTr exec
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na walang direktiba silang inilalabas na pumipigil sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na bumiyahe.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan.
Sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi aniya ipinagbabawal ang pagsakay ng mga ito base na rin sa nakasaad sa Department Order na inilabas ng DOTr hinggil sa “No Vaccine, No Ride” policy.
Dapat aniyang maintindihan na ang karapatan para makasakay ay dapat banlanse rin sa responsibilidad nila bilang transport regulator hinggil sa pagpapanatili at tiyakin ang ligtas na pagbiyahe.
Iginiit ni Yebra na ang paglabas nila ng No Vaccination, No Ride policy ay hindi paglabag sa Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinag-isipan muna bago tinanggap ang role ni Valentina: JANELLA, nag-alaga ng ahas at kasamang rumampa sa mediacon ng ‘Darna’
CHIKA ni Janella Salvador sa grand mediacon ng Darna na pinag-isipan muna niyang mabuti bago niya tinanggap ang role ni Valentina. Siyempre tinanggap din naman eventually ang role as nemesis ni Darna, played by Jane de Leon. After niya tanggapin ang offer to play Valentina, naisipan daw ni Janella na mag-alaga […]
-
Posibleng pagtatrabaho ni PDu30 sa ilalim ng Marcos administration, no legal impediment- Malakanyang
MAAARING magtrabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. “There is no legal impediment in the event that the President accepts an offer to serve under the Executive branch in a Marcos administration,” ayon kay deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan. […]
-
SEAG team training inaayos na ng PSC at POC
Aligaga na ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games. Hanggang ngayon ay ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga team training sa NCR Plus bubble sa harap ng pagsipa ng mga COVID-19 positive cases […]