Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
BINATIKOS ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.
Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel.
Ayon kay Agriculture (DA) undersecretary Fermin Adriano, kung mahirapan na ang Pilipinas mag-angkat ng makakain mula sa dalawang bansa ay may alternatibong pagkukuhanan ng bigas sa India.
Ngunit sa pananaw ng UMA, hindi ba dapat tratuhin itong hudyat para palakasin ang lokal na produksyon ng palay imbis na lumipat lamang ng pag-aangkatan ng bigas.
Ayon sa pederasyon, self-reliance o pansandig sa sariling kakayahan ang wastong tugon sa kawalan ng seguridad sa pagkain at hindi importasyon.
Sinabi ni Antonio Flores, chairperson ng UMA, 1.2 milyong ektarya ng lupaing agrikultural ang nakatali sa agri-business venture arrangements (AVAs). Ang AVA ay kasunduan ng korporasyon sa pesante, karaniwang agrarian reform beneficiary (ARB), kung saan ang kontrol sa lupa ay kinukuha ng una sa huli. Diktado umano ng korporasyon kung ano ang itatanim sa lupa ng ARB.
Idinagdag ni Flores na nasa Mindanao ang karamihan sa 1.2m ektaryang lupain na ito na matatagpuan sa mga plantasyon ng mga dambuhalang korporasyon.
Diin ni Flores, dahil kita ang mas mahalaga sa mga korporasyon kaysa staple foods para sa lokal na populasyon, high-value crops (HVCs) ang prayoridad nitong itanim sa mga plantasyon gaya ng pinya, Cavendish banana, oil palm, at tubo.
Kaya naman aniya na ultimo bigas ay inaangkat na, dahil maski palayan ay napipilitang magbigay-daan sa HVCs.
Pahabol pa niya, hindi makakamit ng paparating na administrasyong Marcos ang pangako nitong P20 na kilo ng bigas kung walang pagsandig sa sariling kakayahang magprodyus ng pagkain ang bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Conor McGregor handa na sa pagbabalik
Kinumpirma ng kampo ni dating two-division UFC champion Conor McGregor ang pagsabak muli nito sa laban. Ayon sa coach nito na si Johan Kavanagh, na ito ang naging desisyon ng 34-anyos na Irish fighter. Mula pa kasi noong Hulyo 2021 ay hindi na ito lumaban matapos na magtamo ng injury sa hita. […]
-
Online System para sa Driver’s License Card Requests, inilunsad ng LTO
INILUNSAD ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang bagong online system para sa mga request at nagtatanong ng availability ng Driver’s License Cards. Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III, ang bagong feature ay accessible sa official LTO-NCR website para sa mas mabilis at kumbinienteng solosyon sa mga kliyente […]
-
POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO
BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”. Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen. Ayon kay Nartatez, inilunsad ang […]