Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang atrasan, tuloy ang laban.
Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11.
Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos na Pinoy fighter upang upakan ang nang-aberyang si Rodriguez.
Nakansela kasi ang kanilang laban nang pumalya ang Mexicano na makapagpasa ng kanyang requirement para sa US Visa.
Nang maiskedyul uli ang girian sana nila noong Pebrero 22 ay muli na naman itong naudlot kaya ‘di na kawalan kay Jerwin kung papatulan pa niya si Rodriguez.
“Mahaba ‘yong paghahanda namin noong nakaraan at hindi natuloy. Ngayon tuloy na tuloy na,” pahayag ng coach ni Jerwin na si Joven Jimenez sa naunang report. “Nasa magandang kondisyon si Jerwin at tamang target sa training namin. Pa-peak na siya.”
Walong beses nang nadepensahan ni Jerwin ang kanyang IBF junior bantamweight belt.
-
Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal
LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito […]
-
Para personal na makapagpasalamat sa naitulong… ROBIN, nangakong dadalawin si KRIS kasama si MARIEL ‘pag nagka-visa na
LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Senator-elect Robin Padilla sa kanyang kaibigan na si Queen of All Media Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa malubha nitong karamdaman. Sa Facebook post ng Senador, ini-reveal na malaki raw ang naibigay na tulong at suporta ng dating leading lady sa pelikula sa nagdaang May 9 national elections. […]
-
BAGONG UK VARIANT NG COVID-19 VIRUS NAKAPASOK NA SA MM
NAKAPASOK na sa bansa ang UK variant ng COVID19 na mas mabagsik at mas mabilis na kumalat. Ito ang inanunsyo ni DOH Secretary Francisco Duque Miyerkules ng gabi. Isang 29 na anyos na lalaki na mula Dubai ang naging positibo ng B117 virus. Mula umano sa Kamuning QC ang naturang lalaki. Sa impormasyon ay sakay […]