• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UPAKANG VERA-BHULLAR, TABLADO SA PUBLIKO

INANUNSIYO ng ONE Championship na lahat ng kanilang events kabilang ang laban na gaganapin sa Maynila ay gagawing fan-less o closed door para sa mga manonood.

 

Nag-ugat ito dahil na rin sa kumakalat na coronavirus disease o COVID-19 , ayon sa nilabas na statement ni ONE championship chairman and CEO Chatri Sityodtong.

 

Lahat ng nakatakdang live events ay pansamantalang sinuspinde hanggang Mayo 29, 2020 bilang pagtalima sa kautusan ng World Health Organization (WHO) hingil sa lumalalang COVID-19.

 

Magsisimula ang Global broadcast shows na closed doors event sa Singapore sa Abril 17, Abril 24, Mayo 1, at Mayo 8. Nakatakda ang live event na ONE Infinity 1 sa Mayo 29 sa Manila.

 

Gayundin, ang ONE Esports Dota 2 Jakarta Invitational sa Abril 18-19 ay isasagawa gayundin ang ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational on Nobyembre 23-29.

 

“My team and I have decided to turn all events for ONE Championship into closed-door, audience-free events effective immediately. Bar none, the safety of our fans, athletes, staff, partners, and the public is the highest priority for ONE Championship. All scheduled ONE events with live audiences will now be suspended until at least May 29, 2020 due to the extraordinary COVID-19 global situation,” pahayag niya.

 

Gaganapin kasi sa Mall of Asia Arena ang ONE Infinity 2 sa Mayo 29. Pasok sa event ang mga bakbakang Iuri Lapicus kontra Christian Lee para sa ONE Lightweight World Championship at umpugang Eddie Alvarez at Saygid Arslanaliev para sa lightweight contenders.

 

Highlight ang sapakang ONE Heavyweight World Champion Brandon Vera kontra ex-UFC contender si Arjan Singh Bhullar bilang main event battle.

 

“We are operating in truly extraordinary times, but my team and I remain committed to providing you the best sports and entertainment action available anywhere on global broadcast today. ONE Championship will continue to thrill you with the greatest martial artists on the planet and inspire you with their incredible stories. This virus might be on the attack right now, but I believe in the power of the human spirit,” dagdag pa ni Sityodtong.

 

Para sa karagdagang updates, bisitahin ang www.onefc.com, Twitter at Instagram @ONEChampionship, at Facebook at https://www.facebook.com/ONEChampionship.

Other News
  • AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

    NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.     Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa […]

  • BAHAY SA NAVOTAS, NI-LOCKDOWN

    ISINAILALIM ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang isang bahay sa lungsod matapos may 10 na miyembro ng pamilya ang nagpositive sa COVID-19, alinsunod sa IATF guidelines.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga nakatira sa naturang bahay ay sinuotan na ng quarantine band para mabantayan na hindi sila lumabas ng bahay.   […]

  • Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA

    NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.     Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.     Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General […]