• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US idedepensa Pinas vs pag-atake sa South China Sea

INULIT  ni US Vice Pre­sident Kamala Harris ang pangako ng Amerika na ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa South China Sea.

 

 

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdi­nand Marcos Jr. sa Ma­lacañang, binanggit ni Harris ang 1951 Mutual Defense Treaty na batayan para ipagtanggol ng Amerika ang Pilipinas.

 

 

“An armed attack on the Philippines, armed forces, public vessels or aircraft in the South China Sea would invoke US Mutual Defense commitments. And that is an unwavering commitment that we have to the Phi­lippines,” ani Harris kay Marcos.

 

 

Ang 1951 Mutual Defense Treaty ang pinakamatagal na defense-pact na naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa depensa at seguridad sa pagitan ng mga tropang Pilipino at US.

 

 

Sinabi rin ni Harris na ang relasyon ng Pilipinas-US ay nakabatay sa mutual commitments sa mga international rules at ang pagtataguyod nito ay magbibigay-daan para sa kaunlaran at seguridad para sa kani-kanilang mga bansa at rehiyon.

 

 

“Again, I will reite­rate that the alliance bet­ween the United States and the Philippines is a strong one and enduring one and only under your leadership continues to be strengthened and we look forward to wor­king with you on many of these issues,” ani Harris.

 

 

Personal naman na pinasalamatan ni Marcos Jr. si  Harris sa pangako ng Amerika na ipagtanggol ang Pilipinas laban sa anumang armadong pag-atake sa South China Sea.

 

 

“And I thank you for the very strong commitment that you have just made for the US to be defensive of the Philippines,” ani Marcos.

 

 

Samantala, sinabi ni Harris na inaabangan din niya ang kanyang bila­teral na pagpupulong kay Marcos upang talakayin ang mga isyung kapwa nila isinusulong katulad ng climate crisis, clean power at investments sa renewable energy.

 

 

Nagpasalamat din si Harris kay Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa delegasyon ng US.

 

 

Dumating si Harris sa Pilipinas noong Linggo, ang unang pagbisita sa loob ng limang taon ng isang mataas na opisyal ng Amerika buhat nang bumisita si dating US President Donald Trump sa bansa noong 2017.

 

 

Kasama ni Harris ang kanyang asawang si Second Gentleman Doug Emhoff.

Other News
  • 28 eskwela sa Metro Manila face-to-face muli simula ika-6 ng Disyembre

    Muling madadagdagan ang listahan ng mga paaralang sasabak sa pilot implementation ng harapang mga klase habang kumakalma ang COVID-19 situation sa Pilipinas — kasama rito ang ilang paaralan mula sa National Capital Region (NCR).     “NCR schools will start on December 6. For the other queries we will give more details during our presscon […]

  • Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa

    MAITUTURING  umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.     Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao.     Dagdag […]

  • Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina

    INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year.     Kaya nasabi niya […]