• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US, Japan popondohan ang Luzon corridor, O-RAN tech

KAPWA nangako ang gobyerno at pribadong sektor ng Estados Unidos at Japan na maglalaan ng milyong dollar para pondohan ang mga proyekto sa Pilipinas sa imprastraktura at teknolohiya.

 

 

Inanunsyo ng senior administration official ng White House na ang PGI Luzon corridor, magkokonekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas ay naglalayong palakasin ang coordinated investments sa “high-impact” infrastructure projects.

 

 

Kabilang na rito ang “ports, rail, clean energy, semiconductors, supply chains,” at maging ang iba pang uri ng connectivity o pagkakakonekta sa Pilipinas.

 

 

“We will be holding events and setting up a steering committee to accelerate the work on this Luzon corridor, and the Development Finance Corporation will open its first regional office in the Philippines as part of this announcement,” ayon pa rin sa senior administration official.

 

 

Sinabi pa rin nito na ang mga gobyerno at industriya ng Estados Unidos at Japan ay maglalaan naman ng bilyong dollar para pondohan ang open radio access network (O-RAN) technology field trials sa Maynila.

 

 

Susuportahan din nito ang Asia O-RAN Academy sa Maynila, na naglalayong tiyakin na maisusulong ang “future commercial deployment.”

 

 

“We’re working closely with the government of the Philippines to ensure that we can partner as a trilateral grouping to deliver secure, trusted ICT technology in the Philippines,” ayon pa rin sa naturang opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • Diaz gusto pang sumabak sa Vietnam SEA Games

    Hindi pa ang Tokyo Olympics ang  huling hirit ni Hidilyn Diaz dahil nangako itong sasabak pa sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.     Orihinal sanang magreretiro ang RIo Olympics silver medalist pagkatapos ng Tokyo Olympics kung natuloy ito noong nakaraang taon.     Subalit dahil naurong ang Tokyo Olympics sa Hulyo […]

  • Mga laro sa NBA posibleng magbalik pagkatapos ng 1-2 araw

    Posibleng maibalik ang mga laro sa NBA sa Sabado at Linggo ang mga laro sa NBA.   Sinabi ni NBA executive vice President Mike Bass, na ito ay matapos ang pagkansela ng mga laro nitong Huwebes at Biyernes.   Magpupulong pa aniya ang kanilang NBA board para sa nasabing desisyon.   Magugunitang nakansela ang mga […]

  • OFW na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19, ‘di bakunado – DOH

    Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas.     Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.   […]