• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US may mahigit 400-M doses na COVID-19 vaccine na donation sa buong mundo

IPINAGMALAKI ng White House na umabot na sa mahigit 400 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang kanilang naipamahagi sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Ayon kay White House Covid-19 response coordinator Jeff Zients mayroon pang dagdag na 3.2 milyon doses ng Pfizer vaccines ang kanilang ibinigay sa Bangladesh at 4.7-M doses naman sa Pakistan.

 

 

Idinadaan nila ito sa COVAX facility ang global vaccine sharing program katuwan ang World Health Organization.

 

 

Dagdag pa ni Zients na ang US ang siyang may pinakamaraming bakuna na naidonasyon kumpara sa ibang bansa.

 

 

Magugunitang noong nakaraang taon ay inanunsiyo ni US President Joe Biden sa United Nationsl General Assembly na bumili sila ng karagdagang 500-M doses ng Pfizer vaccines na ipapamahagi sa ibang bansa at karagdagan 800-M sa Setyembre.

Other News
  • Estranged husband na si Tom, missing in action… CARLA, two years nang ini-enjoy ang paggawa ng sabon

    MAY bagong hobby ang Kapuso actress na si Carla Abellana at ito ay ang paggawa ng sabon.     Pinakita ni Carla sa kanyang Instagram ang mga nagawa niyang sabon. Two years na raw niya itong ginagawa simula noong magkaroon ng pandemic. Nakaka-relax daw ito at nakakawala ng pagod.     “From attending basic and […]

  • INC magsasagawa ng rally bilang suporta sa panawagan ni PBBM vs impeachment

    MAGKAKASA ang Iglesia ni Cristo (INC) ng rally bilang suporta sa panawagan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.       Sa isang report sa INC-run network Net25 noong Huwebes, sinabi ni “Sa Ganang Mamamayan” program host Gen Subardiaga na […]

  • DepEd, bumuo ng Election Task Force

    BUMUO  ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon.     Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9.     Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa […]