• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

USA sa Pilipinas maglalaro

SA PILIPINAS  maglalaro ang US Dream Team sa group stage ng FIBA Basketball World Cup na idaraos sa susunod na taon.

 

 

Ito ang kinumpirma ng FIBA matapos ang konsultasyon nito sa tatlong host countries sa FIBA World Cup — ang Pilipinas, Japan at Indonesia.

 

 

Inanunsiyo na ng FIBA Central Board na sa Pilipinas masisilayan ang USA habang sa Japan naman lalaro ang Slovenia at sa Indonesia hahataw ang Canada sa kani-kanyang group stage.

 

 

“The three hosts of the FIBA Basketball World Cup 2023, the Philippines, Japan and Indonesia, have selected preferred teams to play the Group Phase in their respective countries,” ayon sa statement ng FIBA.

 

 

“Each host could select a preferred team based on commercial reasons, as their choice will have no impact on the integrity of the event or the draw process,” dagdag ng FIBA.

 

 

Pormal nang nakwa­lipika ang Slovenia at Ca­nada sa World Cup habang inaasahang papasok din ang USA sa oras na makumpleto ang last window ng qualifiers.

 

 

Idaraos ang sixth window ng FIBA World Cup Qualifiers sa Pebrero.

 

 

Matapos ang sixth window, inaasahang madedetermina na ang 32 teams na maglalaban-laban sa group stage.

 

 

Idaraos naman ang FIBA Basketball World Cup draw sa Maynila sa Abril 29.

 

 

Apat na grupo ang mag­lalaro sa Pilipinas ha­bang dalawa naman ang sasalang sa Okinawa, Japan at dalawa rin sa Jakarta, Indonesia.

 

 

Ikinakasa na ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat para masigurong magiging ma­tagumpay ang pagdaraos ng World Cup sa bansa.

 

 

Kabilang sa mga pinaplantsa ang mga venues na gagamitin sa group stage — ang Mall of Asia Arena sa Pasay City at ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

 

Magsisilbing venue ng knockout stage ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na kayang magpasok ng mahigit 50,000 fans na manonood sa venue. (CARD)

Other News
  • Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’

    NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika.       Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino.     […]

  • Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school.     Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]

  • Sa Gabi ng Parangal ng ‘7th EDDYS’ sa July 7: JANINE, magsisilbing host kasama sina GABBI at JAKE

    ASAHANG mas magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong July 7, 2024.   ‘Yan ay dahil sa tatlong celebrities na magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).   Pangungunahan ito ng itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS […]