Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo kung paano makakabangon ang dumapang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.
Lumalabas pa nga ani Roque na tayo ang isa sa pinakamabagal na makakabangon sa buong mundo na dahil na rin sa napakahabang ipinatupad na lockdown.
“Well, naintindihan naman niya dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Presidente kung paano talaga tayo makakabangon dahil lumalabas na sa buong mundo isa tayo sa pinakamabagal na makakabangon kasi nga parang napakahaba at napakatagal na noong ating lockdown na ipinatutupad,” ayon kay Sec. Roque.
Kung tutuusin sabi ni Roque ay napapanahon nang maibaba na rin sa MGCQ ang status ng health protocol gayung nakabuo na ng disiplina ang mga Pilipino at batid na rin ng mga ito kung paano nila makakahanapbuhay ng ligtas.
Sa ilalim ng MGCQ ay nasa 75 porsiyento ng komersiyo ang pinapahintulutan ng makapag- bukas habang 50 percent naman ng negosyo ang pwedeng makapag- operate sa ilalim ng GCQ.
“Alam mo kasi kapag GCQ eh talagang halos 50% lang ang bukas ng ating mga industriya.
Ang MGCQ ay 75% at napapanahon na talaga dahil ang tingin ko naman naka-develop na ng disiplina ang mga Pilipino at alam nila na para magkahanapbuhay ang sagot po talaga ay iyong panawagan ni Presidente – ‘Mask, Hugas, Iwas. Ingat buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.’ ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Pagkalipas nang dalawang dekada: BEA, dream come true na makatambal muli si DENNIS
DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. After two decades na una silang nagtambal, si Bea raw ang nag-request na si Dennis sana ang susunod niyang makatambal. Kaya, official announcement na ng GMA Network sa “24 Oras” last […]
-
P11.5 bilyong One COVID-19 allowance, inilabas ng DBM
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyon para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mahigit sa 1.6 milyong kwalipikadong public at private health care at non-health care workers (HCWs). Sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang hindi napondohang OCA/HEA claims ng mga health […]
-
MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21
PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21. Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]