Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo kung paano makakabangon ang dumapang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.
Lumalabas pa nga ani Roque na tayo ang isa sa pinakamabagal na makakabangon sa buong mundo na dahil na rin sa napakahabang ipinatupad na lockdown.
“Well, naintindihan naman niya dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Presidente kung paano talaga tayo makakabangon dahil lumalabas na sa buong mundo isa tayo sa pinakamabagal na makakabangon kasi nga parang napakahaba at napakatagal na noong ating lockdown na ipinatutupad,” ayon kay Sec. Roque.
Kung tutuusin sabi ni Roque ay napapanahon nang maibaba na rin sa MGCQ ang status ng health protocol gayung nakabuo na ng disiplina ang mga Pilipino at batid na rin ng mga ito kung paano nila makakahanapbuhay ng ligtas.
Sa ilalim ng MGCQ ay nasa 75 porsiyento ng komersiyo ang pinapahintulutan ng makapag- bukas habang 50 percent naman ng negosyo ang pwedeng makapag- operate sa ilalim ng GCQ.
“Alam mo kasi kapag GCQ eh talagang halos 50% lang ang bukas ng ating mga industriya.
Ang MGCQ ay 75% at napapanahon na talaga dahil ang tingin ko naman naka-develop na ng disiplina ang mga Pilipino at alam nila na para magkahanapbuhay ang sagot po talaga ay iyong panawagan ni Presidente – ‘Mask, Hugas, Iwas. Ingat buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.’ ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal
IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya. May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya. Sabi nga niya, […]
-
MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK
PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95 mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]
-
DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19
Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules. “Yes we are confirming […]