Usap-usapan pa rin ang ginawa niya at sagot sa bashers: HEART, ginaya ng followers sa pagsusuot ng expensive necklace sa kanilang pets
- Published on August 21, 2024
- by @peoplesbalita
USAP-USAPAN at nag-viral nga ang Instagram story ni Heart Evangelista na kung saan ipinasuot niya sa alagang aso na si Panda Ongpauco Escudero ang Serpenti Viper necklace in 18k white gold, na set with full pavé diamonds na ang estimated cost daw nito ay P11 million.
Same necklace ito na suot ni Pia Wurtzbach sa kanyang post bilang newest ambassador ng Bulgari. Kaya marami ang nag-react na ang alagang aso ni Heart ang nagsusuot ng kanyang ini-endorse.
At ito pa nag-trending ang pagsusuot ng expensive necklace sa mga alagang aso, pati na rin pusa, ng followers ni Heart, na kung saan maraming nag-tag sa kanya sa Instagram.
Nakakaloka naman kasing makita na bini-baby ng marami ang mga alaga nilang aso at pusa na namamasyal na naka-stroller na aakalain mo talaga baby pero pagtingin ay mga alaga pala. And infairness, may ini-endorse si Heart na pet stroller, na hindi basta-basta lang ang presyo.
Naging palaban nga ang sagot ni Heart tungkol sa controversial necklace, nang mag-viral ito dahil sa reaction ng netizens.
“I own the necklace, you know. I can do whatever I want and pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, ‘di siya loan, she can do whatever she wants,” pahayag niya sa kanyang TikTok Live.
Matatandaang nagsimula ang hidwaan sa pagitan nina Heart at Pia nang kunin ng beauty queen ang serbisyo ng dating glam team ng asawa ni Senate President Chiz Escudero.
Doon nagsimula na palagi nang pinagtatapat ang dalawa lalo nga’t pareho silang active na active sa fashion world at parehong nag-i-endorse ng iba’t ibang luxury brands.
(ROHN ROMULO)
-
DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice
HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita. Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng […]
-
Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay
Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho. Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, […]
-
Pasaway sa VisMin Cup Iba-ban sa lahat ng liga
INUPAKAN din ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. president Alfredo Panlilio ang kontrobersyal na laban ng Siquijor Mystics at Lapu-Lapu City sa Visayas Leg ng 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 elimination round Miyerkoles ng nakraang linggo sa sa Alcantara, Cebu. Kinampihan din niya ang pasya nitong Linggo ng Games and Amusements Board […]