• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.

 

 

Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.

 

 

Aniya, sa nasabing panukala binibigyan ng kapangyarihan ang Maharlika Investment Corporation na mangutang.

 

 

Dagdag pa nito na kung talagang kumbinsidong itong mga nagpanukala ng Maharlika Investment Fund, bakit aniya kailangan pang ilagay na may kapangyarihan ang korporasyon na mangutang.

 

 

Para kay Pimentel, “wishful thinking” ang sinasabi ni De Leon.

 

 

Noong Nobyembre 2022, tumaas ang utang ng Pilipinas sa P13.6 trilyon.

 

 

Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong itatag ang Maharlika Investment Fund, ay inihain ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Inaprubahan na ng lower chamber ang kanilang bersyon noong Disyembre noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang players ng Gilas Pilipinas posibleng ‘di makapaglaro dahil sa injury

    Nahaharap ngayon sa pagsubok ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia dahil sa pagkakaroon ng injury ni Dwight Ramos.     Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na mayroong groin strain injur si Ramos na kaniyang natamo sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. […]

  • Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

    SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.   Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.   Importante ayon kay […]

  • DOTr , nagsimula ng mag-inspeksyon ng brand-new PNR Clark trains

    NAGSIMULA na ang Department of Transportation (DOTr) na mag-inspeksyon ng mga tren na binili ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 project sa Valenzuela City.     Sa isang Facebook post, pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pag-inspeskyon ng mga tren na binili mula sa Japan Transport Engineering Company and Sumitomo Corporation bilang […]