• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon

HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng mga bagong buwis.

 

 

“For the month, NG’s total debt portfolio marginally increased by P3.15 billion or 0.02% from the end-ctober 2022 level primarily due to the effect of local currency appreciation against the US dollar on foreign currency loans,” wika ng Treasury sa isang pahayag kanina.

 

 

“However, NG debt has increased by P1.92 trillion or 16.33% since end-December 2021.”

 

 

utang panloob – P9.43 trilyon

utang panlabas – P4.22 trilyon

 

 

Ang domestic debt noong Nobyembre ay umakyat ng 0.78% o P72.73 bilyon kumpara sa pagkakautang isang buwan bago ito. Ito ang bumubuo sa 69.1% kabuuang utang ng bansa ngayon.

 

 

Nadagdagdan ito ng P75.76 bilyon dahil sa net issuance ng government securities ngunit nabawasan ng P3.03 bilyon dahil sa pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

 

 

Pumalo naman na sa P4.22 trilyon ang halaga ng external debt, na siyang mas mababa ng 1.62% o P72.73 bilyon kumpara sa end-October 2022 level.

 

 

“NG’s external debt amounted to P4.22 trillion, P69.58 billion or 1.62% lower than the end-October 2022 level due to the P106.98 billion impact of local currency appreciation and P13.38 billion net repayment,” dagdag pa ng Treasury.

 

 

“This was tempered by the net impact of third-currency fluctuations against the US dollar amounting to P50.78 billion.”

 

 

Kumakatawan ang utang panlabas sa 30.9% ng kabuuang debt portfolio ng bansa.

 

 

Kamakailan lang nang sabihin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi dapat mabahala sa mataas na debt level ng Pilipinas lalo na’t hindi pa nakikita ang recession lalo na’t may positibong mga sinyales na nagtuturo sa “strong recovery.”

 

 

Matatandaang malaki ang inutang ng nakaraang administrasyong Duterte kasabay ng COVID-19 pandemic, bagay na naiwan sa kasalukuyang administrasyon. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, bibili ng pinakamurang Covid-19 vaccine

    DALA ng kakulangan sa pondo ay tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bibili ang Pilipinas ng pinakamurang  COVID-19 vaccine na magiging  available sa merkado.   Ang katwiran ng Pangulo ay pareho lang naman ang epekto ng lahat ng vaccines.   “It’s there. I think it’s Moderna, it is a US company, I think they […]

  • Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

    IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.   “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]

  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]