Utang ng Pilipinas, umabot sa bagong record-high na P13.9-T – Bureau of Treasury
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
LUMOBO sa bagong record high ang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong katapusan ng Abril ngayong taon na kung saan karamihan ay dahil sa paghina ng piso, ayon sa data na inilabas ng Bureau of the Treasury.
Ang natitirang utang ng pambansang pamahalaan ay umabot sa P13.9 trillion, tumaas ng 0.4% o P52.24 billion, mula sa P13.8 trillion noong katapusan ng Marso 2023.
Iniuugnay ng Treasury ang pagtaas sa net issuance ng external debt at local currency depreciation laban sa US dollar.
Kung pinaghiwa-hiwalay, ang bulk, o 68%, na kabuuang stock ng utang ng gobyerno ay locally sourced, habang ang natitirang 32% ay mga pangungutang sa ibang bansa.
Sa partikular, ang utang sa loob ng bansa ay umabot ng P9.4 trillion, bumaba ng 0.6% mula sa P9.5 trillion, noong nakaraang buwan.
Ang mas mababang utang sa loob ng bansa ay “dahil sa net redemption ng domestic securities na nagkakahalaga ng P57.79 bilyon.”
-
Mga tinamaan ng mild cases ng COVID 19, limang araw na mas mabilis maka- recover sa sakit dahil sa Virgin coconut oil
TINATAYANG aabot lamang ng limang araw ang mas mabilis na pag- recover mula sa corona virus ng isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID 19 gamit ang virgin coconut oil. Ito ang ibinahagi ni DOST secretary Fortunato dela Pena kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri […]
-
KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso
KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado. Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito. Kasabay nito, ang […]
-
Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning
HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning. Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng […]