Utang ng Pinas ‘manageable’ pa – DOF
- Published on June 14, 2022
- by @peoplesbalita
NANATILI umanong “manageable” ang foreign borrowings ng bansa sa kabila ng record-high debts ng Pilipinas sa gitna ng mahabang laban kontra COVID-19.
Sa economic bulletin na inilabas ni Department of Finance (DOF) chief economist undersecretary Gil Beltran, sinabi nito na bagamat tumaas ang external debt stock ng bansa sa 8.1 percent sa $106.4 bilyon kada taon na kauna-unahang pagkakataon na lumampas sa $00 billion level na equivalent sa 27%ng gross domestic product o GDP ay bahagya pa rin itong mababa mula sa 27.2 percent noong 2020 ng ang GDP ay bumaba sa gitna ng worst post-war recession dulot ng COVID-19.
Sa katunayan ayon pa kay Beltran, nananatiling pinakamababa ito sa Asean-5 kaya nasa manageable level pa umano ang utang panlabas ng Pilipinas.
Ang kabuuang external debt figure ng bansa na kamakailan lamang ay ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpapakita na “over three-fifths ng foreign obligations ay ginawa ng gobyerno habang ang iba ay inutang ng pribadong sektor.
Makikita naman umano sa pinakabagong data ng Bureau of the Treasury (BTr) na sa naitalang P12.76-trillion outstanding debt ng national government nitong katapusan ng Abril, tanging 30% lamang o P3.83-trilyon ang foreign borrowings. Karamihan sa hiniraman ng gobyerno ay lokal.
Kung ikukumpara sa Asean-5 peers, ang 2021 external debt-sa -GDP ratio ay pinakamababa sa hanay ng rehiyon lalo na pagdating sa developing economies gaya ng Malaysia 69.3%, Thailand 39%, Vietnam 38.6%, at Indonesia 35%.
Noong nakaraang taon, nangutang ang Pilipinas ng $2 billion mula sa tatlong multilateral lenders — ang Manila-headquartered Asian Development Bank (ADB), China-led Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at maging ang Washington-based World Bank —para i- bankroll ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19. (Daris Jose)
-
Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay
DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan. Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay. […]
-
Ibang-iba ang role sa action-advocacy series na ‘WPS’: AYANNA, tuluyan nang tatalikuran ang paghuhubad sa pelikula
ANG action-advocacy series na “West Philippine Sea” ay isang kwento ng pag-asa at katatagan. Sinasaliksik nito ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang kahalagahan ng pagkakaisa, at ang di-natitinag na diwa ng isang bansang determinadong ipaglaban ang kinabukasan nito. Ito ay nagpapaalala sa atin na kahit na sa harap ng napakatinding pagsubok, ang espiritu ng […]
-
Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD
NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers. Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers […]