Utos ni PBBM sa DoH, magtalaga ng medical teams sa bawat evacuation center
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na magtalaga ng mga doktor at magbigay ng medical assistance sa bawat evacuation centers upang masiguro ang health conditions ng mga bakwit na apektado ng bagyong Carina.
Sa isang situation briefing, pinanindigan ni Pangulong Marcos na dapat na tiyakin ng DOH na ang evacuation centers ay mayroong mobile clinic para mag-check sa kondisyon ng mga kabataan at matatanda.
“Kailangan mayroon silang clinic sa bawat evacuation center, or at least may umiikot na medical team … can we get an instruction to the DOH that evacuation centers, kailangang madaanan ang mga bata,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We have to get some medical, (team), kahit na ‘yung mga BHWs lang nila muna … hanggang makarating ang doctors dun. Mag assess lang sila that everybody is okay . Anybody is in need of immediate help,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang mga doktor ay dapat na kagyat na italaga sa mga evacuation centers upang sa gayon ay kaagad silang makapaghatol sa mga matatanda na kailangan ang kanilang maintenance medicines.
Sa kabilang dako, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na 189,014 pamilya o 910,536 indibidwal ang apektado ng Carina habang 123,992 pamilya o 612,961 indibiduwal ang nanuluyan sa iba’t ibang evacuation centers.
Makikita sa record na 13 indibiduwal ang nasawi habang dalawa ang napaulat na nasugatan at dalawa ang nawawala.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang situation briefing, Huwebes ng umaga, Hulyo 25, kung saan nakapulong nito ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na direktang may kinalaman sa ‘disaster efforts’ ng gobyerno kasama ang ibang ahensiya ng pamahalaan na kasama naman sa rescue and relief operations sa Presidential Security Command compound sa Maynila.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa pamahalaan na tukuyin ang mga lugar na labis na hinagupit ni Carina para madetermina kung saan at ano ang klase ng agarang tulong na ipagkakaloob sa mga apektadong residente. (Daris Jose)
-
Ads September 12, 2024
-
Ads May 4, 2024
-
US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan
ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi. Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack. Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy […]