• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM sa mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs: Suportahan ang programa laban sa kriminalidad

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  memorandum circular na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at hinikayat naman ang local government units  na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).

 

 

Sa ilalim ng  Memorandum Circular No. 19, nilagdaan ng Pangulo araw ng Martes, ang direktiba ay alinsunod sa  adopsyon ng “whole-of-government” approach sa pagtugon sa kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

 

 

Ang 2023 NCPP ay “operationalizes the strategies for ensuring peace and security under the Philippine Development Plan 2023-2028” kung saan ang National Police Commission (Napolcom) ang mangangasiwa sa implementasyon ng NCPP.

 

 

Ang  2023 NCPP  ay dinibelop (develop) ng  Napolcom sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice nito,  isang inter-disciplinary body na binubuo ng  kilalang eksperto mula sa ahensiya ng gobyerno at non-government organizations na kabilang sa criminal justice system.

 

 

Ang Napolcom ay isang  agency na  attached sa  Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan responsable para sa administrasyon at kontrol ng  Philippine National Police (PNP). (Daris Jose)

Other News
  • MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity

    SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity.   Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.”   Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) […]

  • Ads August 10, 2022

  • Seryeng Batang Quiapo, binatikos ng mambabatas

    IKINALUNGKOT ni Lanao Del Sur Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong ang ipinalabas na isang episode ng seryeng Batang Quiapo.     Sa naturang episode, ipinalabas ang pagtatago at pagkunsinte ng isang karakter na Muslim sa pagnanakaw, sa pagkukunwaring paggamit sa nakaw na bagay para itulong sa iba.     Bukod pa dito ang pagpapalabas na armado […]