• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Uusok na talakan sa pulong ng POC

TIYAK ang walang puknat na balitaktakan na naman para sa sa darating na halalan Nobyembre sa Philippine Olympic Committee (POC) sa executive board meeting ngayon Sabado, Setyembre 12  ng alas-10:00 nang umaga via Zoom.

 

May ilang beses  nang walang nabuo matinong usapan para sa eleksiyon dahil sa pagtutol ng mayorya sa pinipilit ni POC president Abraham Tolentino na age limit para sa mga tatakbo sa posisyon sa nakatakdang termino para sa 2021-24.

 

Pero may dalawang mahalagang tatalakayin sa pulong ang mga ang opisyal na kabibilangan ng paglahok ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 2021 at 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam 2021.

 

Kasamang bumubuo sa POC board sina chairman Stephen Hontiveros, at members Jose Romasanta (first vice president), Antonio Tamayo Jr. (second vice president), Edwin Gastanes (secretary general), Julian Camacho (treasurer), Jonne Go (auditor), Victorico Vargas, Cynthia Carrion, Jesus Clint Aranas, Roberto Mananquil, Prospero Pichay Jr., Mikaela Maria Antonia Cojuangco-Jaworski, at Nikko Bryan Huelgas. (REC)

Other News
  • Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo itinalaga bilang bagong Supreme Court Justice

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang ulat na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Supreme Court Justice.     “Sa ilang mga bagay, kinukumpirma ng Palasyo na pinirmahan na po ng Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng […]

  • PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals

    Kinalampag ng Palasyo at Senado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbabayad sa lumalaking utang sa mga pribadong ospital.     Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong […]

  • PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results.   Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]