• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court

NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso.

 

 

Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong kriminal na isinampa ng mga magulang ng mga biktima ng dengvaxia vaccine.

 

 

Ayon kay Girlie Samonte, isa sa mga magulang na naturukan ng dengvaxia ang kanyang anak, hindi maaaring isahin ang kaso dahil magkakaiba ang sitwasyon at dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

 

 

Apela nila sa hukom na sana ay pag-aralan nitong mabuti ang kanilang kaso at umiral ang kaniyang pagiging isang ina.

 

 

“Ina ka rin naman Judge Betic, sana naman maramdaman mo ang sakit na nararamdaman namin sa pagkamatay ng mga anak namin. Huwag po ninyong pag-isahin na lang ang kaso namin dahil kapag na-dismiss ito hindi na makakamit ng mga anak namin ang hustisya,” umiiyak na pahayag ni Samonte.

 

 

Paliwanag ng ginang, magkakaiba rin ang kanilang lugar na pinanggalingan at magkakaiba rin ang petsa ng kamatayan ng mga batang pumanaw.

 

 

Kasabay nito, umapela rin Kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga magulang ng mga namatayan ng anak na anilay mabigyan sila ng hustisya dahil halos anim na taon na umano silang nakikipaglaban sa kaso.

 

 

Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ng mga magulang na maghain ng motion for reconsideration at ipa-inhibit si Judge Betic sa kaso.

 

 

Mula Hunyo hanggang Agosto 2023, ay 35 magkakahiwalay na kaso ng homicide at reckless imprudence resulting in serious physical injuries ang isinampa ng mga magulang laban kay dating Health Secretary Janette Garin at 17 iba pang opisyal at doktor ng Department of Health. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Sobrang daring ang mga eksena sa ‘Scorpio Nights 3’: CHRISTINE at GOLD, hubad kung hubad at marami pang panggulat

    SOBRANG daring ang mga eksena nina Christine Bermas at Gold Aceron sa ‘Scorpio Nights 3’.     Hubad kung hubad at may frontal nudity pa. Umaatikabo rin ang mga love scenes.     Halos ipinakita na nina Christine at Gold ang kanilang mga ‘di dapat ipinakita. So ano pa ang ipakikita nila sa susunod nilang […]

  • Fernando, nilinaw ang usapin sa NFEx

    LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”     Ito ang binitawang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Joint Forum with Selected Legislators and Executives of the Provincial Government of […]

  • The Glory of the Cross