• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination accomplishment ng administrasyong Duterte, malaking ambag na maiiwan sa susunod na Administrasyon – NTF against COVID 19

MAITUTURING na malaking ambag para sa papasok na administrasyong Marcos ang maiiwang accomplishment ng Duterte administration sa usapin ng pagbabakuna.

 

 

Sinabi ni National Task Force Against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, Lunes ng gabi, maikukunsiderang malaking kontribusyon na ang higit 70 milyong mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Galvez na “best scenario” na maituturing na bago matapos ang Duterte Administration ay may 75 million nang mayroong 1st dose ng bakuna at nasa 70,087,920 naman ang fully vaccinated.

 

 

“So ‘yung honest accomplishment po natin, evaluation is ang 4-week first dose average po natin, Mr. President, ay 321,083 dose per week. Meaning ‘yung ating first dose average ay humihigit lang po na more than 300,000. Iyong ating 4-week second dose average sa ating second dose naman ay 242,606 doses,” ayon kay Galvez.

 

 

“So ‘yung atin pong best-case scenario na bago po tayo matapos ang ating administrasyon, ang nakikita po namin ang pinaka-honest-to-goodness na aming assessment sa individuals with at least one dose, 75 million po tayo; and then ‘yung fully vaccinated po ay 70,087,920,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi ni Galvez sa Pangulo na 70 million talaga ang orihinal na target subalit itinaas sa 90 million dahil na din sa nuoy tumaas na transmission ng variant.

 

 

Kaya di man aniya nangyari ang target na 90 milyon, sinabi ni Galvez na nakamit naman ang orihinal na target na 70 million.

 

 

“Noong tiningnan po namin, Mr. President, ‘yung ating original na talagang target, so sa ating National Vaccination Plan ay talagang ang ating target lang po ‘yung 70 million. Dahil noong nakita po natin na medyo tumataas po ‘yung ating transmission sa variant, tinaas po natin ng 90 million. Pero nakita po natin na talagang ‘yung 70 million po na nagawa po natin gusto nating pasalamatan ang National Vaccination Operations Center dahil kasi napakalaki na po nitong naiambag po natin sa susunod na administrasyon,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Kasong sedition, conspiracy, pinag-aaralan ng gobyerno vs VP Sara kasunod ng banta kay PBBM

    Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.       Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa […]

  • 48 LSIs sa Rizal Stadium may COVID-19

    Umabot na sa 48 na mga locally stranded individuals o LSIs na na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.   Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar.   Matatandaan na umabot sa […]

  • Public schools bilang isolation centers ikinakasa na

    Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan.   “We are now […]