• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination centers sa mga schools para mapabilis ang vax rollout bago magsimula ang klase

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga local government unit (LGU) executives na makipagtulungan sa Departments of Education (DepEd), Health (DOH) at Interior and Local Government (DILG) sa paglalagay ng mga anti-Covid 19 vaccine centers sa kani-kanilang lokalidad, bilang suporta sa isinusulong ng Malacañang na masiguro ang ligtas na pagbabalik klase ngayong pasukan.

 

 

“Alongside providing the necessary assistance to public and private schools in preparation for the start of face-to-face and online learning modes on Aug. 22, local executives should team up with the DepEd, DOH and DILG in setting up in schools vax centers for primary and booster shots against the coronavirus ASAP, to better protect our students and their teachers this upcoming school year against the current and future surges in Covid-19,” ani Villafuerte.

 

 

Sinabi ng mambabatas na makakatulong ang LGU para sa mabilis na vaccine rollout ay mabakunahan ang mga mag-aaral at teenagers na hindi pa natuturukan ng primary o booster shots laban sa coronavirus, sa pamamagitan ng pag-aalis ng Covid-19 quarantine o isolation facilities na inilagay sa mga paaralan noong panahon ng pandemic at paglalagay ng vax sites sa mga naturang educational institutions.

 

 

Isang tugon na rin aniya ito sa apela ni Presidente Marcos na makumpleto ang primary o booster shots ng publiko lalo na ang mga kabataan laban sa Covid-19 upang mas maprotektahan ang mga ito.

 

 

Nakatakdang magsimula ang klase sa Agosto 22 na bubuuuin ng pinagsamang face-to-face sessions at online teaching modes. Inihayag din ng DepEd na ang full face-to-face classes mula Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng elementary at high schools ay magsisimula ngayong Nobyembre.

 

 

Sa ngayon, ang lahat ng adults at minors na nasa edad 12-17 anyos ay maaaring magpaturok para sa unang booster shot habang ang mga batang 5- 11 taong gulang ay eligible naman sa two-dose primary shots.

 

 

Ayon sa DepEd, mahigit sa 16 million ang nakapag-enroll para sa school year 2022-2023, hanggang nitong Agosto 5.

 

 

Sa nasabing bilang, ang kindergarten ang siyang may pinakamalaking bilang ng enrollees na nasa 1,060,138; sinundan ng Elementary (Grades 1-6) na may 7,376,586; Grades 7-10 (Junior High School) na 5,179,673 enrollees; at Grades 11-12 (Senior High School), na 2,412,855.

 

 

Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng enrollees bago magsimula ang klase sa Agosto 22. (Ara Romero)

Other News
  • BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY

    PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.     Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.     Inoobserbahan naman sa Jose Reyes […]

  • 4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’

    MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.   Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel […]

  • Mga brgy officials na tatangging tulungan ang mga residenteng may Covid-19, kakasuhan ng DILG

    KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay personnel na hindi reresponde sa concerns ng mga residente na infected ng COVID-19   Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr. na hinihikayat nila ang publiko na i-report sa kanila kung mayroon silang mararanasang […]