Vaccine rollout sa Quezon City, umarangkada na rin
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Quezon City General Hospital, ang isa sa QC run hospital na tumanggap ng 300 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaan.
Pinangunahan ni QC mayor Joy Belmonte ang pagbabakuna sa may 300 healthcare workers na lumagda sa programa. Ang mga healthcare workers lamang na may edad 18 -anyos hanggang 59-anyos at nasa maayos na kalusugan ang nabakunahan.
“This is a milestone in our COVID-19 response. We have begun the vaccination process starting with our health workers whose lives have been constantly at risk since the pandemic began last year,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay QCGH Director Josephine Sabando na karamihan ng kanilang healthcare workers ay gustong pabakuna pero nang malaman na Sinovac vaccine ang gagamitin ay may ilan ang umatras magpabakuna.
Pero makaraang mapagpaliwanagan sa naipakitang mga pag-aaral tungkol sa bakuna, maraming mga doktor ,nurse at iba pang medical staff ang nagbago ng isip ang nagparehistro na rin para mabakunahan.
“I want our doctors and healthcare workers to be protected in any way possible. This vaccine is the best vaccine right now considering that this is what is available to us,” sabi ni Belmonte.
Ang second dose ng bakuna ay ipagkakaloob makaraan ang isang buwan. Binisita rin at nakiisa si Mayor Belmonte sa vaccination program ng East Avenue Medical Hospital, St. Lukes Medical Center – Quezon City, at National Kidney and Transplant Institute
Samantala, mismong ang medical chief ng East Avenue Medical Center ang unang nagpabakuna ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital. Sinabi ni EAMC chief Dr. Alfonso Nuñez, nais niyang ipakita sa lahat ng health workers, hindi lang sa East Avenue Medical Center, na walang pinakamabisang armas laban sa corona virus kundi ang pagpapabakuna. Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Dr. Nuñez. Habang 160 mga frontliners ng hospital ang nakalinya para mabakunahan kahapon. (ARA ROMERO)
-
OCTA group nanawagan sa gobyerno na agapan paghigpit vs sa Delta variant
Nanawagan ang OCTA Research Group na magpatupad na ang gobyerno ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso muli ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila. Hindi rin dapat balewalahin ang pagtaas ng coronavirus infections sa Metro Manila dahil sa posibleng dulot na ito ng mas nakakahawang Delta variant. Ayon […]
-
NCRPO itinuturing na mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila
ITINUTURING ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ‘generally peaceful’ ang naging paggunita ng Semana Santa sa Kamaynilaan. Sinabi ni NCRPO Chief, Police Major General Edgar Allan Okubo, wala silang natanggap na banta sa seguridad at kahit na tapos na ang Semana Santa ay patuloy pa rin silang naka-heightened alert. […]
-
Ads February 8, 2024