Valdez masaya sa pagkakasama sa national team
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI maitago ni Alyssa Valdez ang saya nito matapos malamang bahagi ito ng national pool na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.
Matatandaang hindi napasama sa lineup si Valdez noong AVC Asian Championship na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon.
Kaya naman nang malaman ang magandang balita, lubos ang kasiyahan ng Creamline Cool Smashers team captain na muli itong sasabak kasama ang national team.
Isa sa mga tunay na nagpapasaya kay Valdez ang maging bahagi ng national team upang katawanin ang bansa sa mga international tournaments.
“Nung nalaman ko talagang sobrang saya ko dahil mabibigyan na naman ako ng chance na irepresent ang country natin. Kaya sobrang thankful ako,” ani Valdez.
Maliban kay Valdez, nakabalik din sa listahan si playmaker Jia Morado na isa rin sa mga wala sa lineup sa AVC tournament.
Galing si Valdez sa matagumpay na journey sa Pinoy Big Brother (PBB) reality show kung saan pasok ito sa Top 2 at mabibigyan ng tsansang maging Big Winner.
Matapos ang kanyang PBB stint, agad na sumalang sa individual workouts si Valdez kasama ang Cool Smashers.
Pinaghahandaan ng kanilang tropa ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na sisimulan sa Marso 16 sa isang bubble setup.
-
Teodoro, hinikayat ang DTI na palakasin , pagtibayin ang presyo, supply monitoring para sa El Niño
HINIKAYAT ni Defense Secretary and Task Force El Niño chair Gilberto C. Teodoro Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin at pagtibayin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at supply monitoring para protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang manininda o nag-overcharge ng presyo sa gitna ng El Niño phenomenon. […]
-
Kai Sotto posibleng sa susunod pa na taon makakasama ng Gilas Pilipinas
HINDI makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24. Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National […]
-
Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr
PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway. Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay […]