Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo.
Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian na maglabas ng podo mula sa the General Fund para sa: Albay –P 2,200,000 cash; Camarines Sur –P 2,500,000 cash; at Catanduanes –P 1,300,000 cash.
Ang Albay, Camarines Sur at Catanduanes ay sinalanta ng signal NO. 5 na Super Typhoon Rolly noong Nobyembre 1 at umabot sa 14 ang namatay sa Albay at anim mula sa Catanduanes kaya’t isinailalim ang mga ito sa “State of Calamity”.
Higit sa isang milyong tao ang naapektuhan ng bagyo sa mga nasabing probinsya kung saan malaking bahagi pa rin ang nananatiling walang kuryente at tubig at maraming pamilya pa rin ang namamalagi sa evacuation centers habang sinusubukang kumpunihin ang kanilang mga napinsalang bahay.
“Although we have spent so much fund in the response to COVID-19 that almost depleted our resources, we are still fortunate enough to have some amounts to spare to assist our brothers and sisters who suffered ill luck from the recent super typhoon while the battle against this pandemic is still on going,” ani Gatchalian.
Noong Enero ay nagkaloob ang Valenzuela ng P12-milyong financial assistance sa Taal Volcano eruption victims sa Batangas, at nagbigay din ng P 22-milyong tulong sa probinsya ng Cotabato at Davao del Sur matapos ang magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 2019. (Richard Mesa)
-
Ads November 29, 2021
-
April opening target ng NCAA
Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan. Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat. Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]
-
Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM
PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]