• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela, DA pinangunahan ang pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store

PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong.

 

 

Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa pamamagitan ng PhP 1,000,000 financial grant na ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita program. Ito ay naglalayong magbigay ng puhunan sa iba’t-ibang mga organisasyon gaya ng Non-Government Organizations, Kooperatiba, Asosasyon, Korporasyon, People’s Organization, o mga Homeowners’ Association na kayang magpanatili ng isang Kadiwa Store. Ang nasabing financial grant ay naglalayong magamit sa pagpapatayo ng mga Kadiwa Stores sa mga strategic na lugar, pagbili ng mga marketing equipment, at magsilbing paunang puhunan para sa nasabing tindahan.

 

 

Ang Kadiwa ni Ani at Kita program ay isang direct marketing program ng DA kung saan ang mga producers ay direktang mabibilhan ng publiko, na siyang magbibigay daan para maging mas mura ang mga pagkain at iba pang mga bilihin para sa publiko.

 

 

Ang AMVA ay isa sa iilang mga organisasyon sa lungsod na maswerteng nabigyan ng PhP 1,000,000 financial grant ng DA. ito ay naibigay noong Marso 13, 2023, higit-kumulang dalawang buwan para maitayo ang Kadiwa Store. Ang Kadiwa Store ay nagbebenta ng iba’t-ibang mga bilihin tulad ng mga gulay at gamit pang-kusina sa mas murang presyo. Ang mga miyembro ng AMVA ay makakakuha rin ng diskwento sa tindahan.

 

 

Sa tagumpay ng unang Kadiwa Store sa lungsod, ay patuloy na hinihimok ng Pamahalaang Lungsod at ng DA ang iba’t-ibang mga organisasyon sa lungsod na mag-apply sa Kadiwa program para sa patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng Kadiwa Store ay sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Niña Lopez, Housing and Resettlement Head Ms. Elenita Reyes, Local Economic Development and Investments Promotions Office Head Ms. Annaliza Vitug, Public Employment Services Office and Cooperative Development Office Head Ms. Josephine Osea, at Punong Barangay Ed Nazar at Konseho. (Richard Mesa)

Other News
  • Herbosa, umapela kay PBBM na suspendihin ang PhilHealth premium hike

    TINITIMBANG na mabuti at masusing pinag-aaralan ng Malakanyang ang rekomendasyon ni Health Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ng implementasyon ng premium rate increase ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) ngayong 2024.     “The President is studying the request,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil nang hingan ng reaksyon sa […]

  • MMDA: Pasig River ferry muling nag operate ng short trips

    MULING nag operasyon ang Pasig River ferry subalit short distrance trips lamang pagkatapos maalis at matangal ang ibang water hyacinths sa nasabing ilog.   Ang ferry service ay mayron short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Sta. Ana sa Manila.   Sa isang nakaraang statement, sinabi ng MMDA na hinto muna ang serbisyo hanggang […]

  • P750 national minimum wage, iginiit

    KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng  pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan.     Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost […]