Valenzuela ipinagdiwang ang 262nd Mano Po San Roque Festival 2024
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
SA gitna ng naranasang matinding init, nagpupursige ang Lungsod ng Valenzuela sa kultura at tradisyon sa dobleng pagdiriwang ng kapistahan ng 262nd Mano Po San Roque Festival 2024 at Mother’s Day sa Barangay Mabolo.
Napuno ng buhay at kultura ang Mabolo sa San Roque Festival kung saan sinimulan ang masiglang kasiyahan sa Sayaw-Pasasalamat parade ng bawat barangay na nagtanghal ng mga sayaw at pag-awit habang itinataas ang kanilang mga banner.
Ang Sayaw-Pasasalamat ay nangangahulugan bilang parangal sa patron na si San Roque o St. Roch, kung saan muling binuhay ng parada na ito ang tradisyon na may mga sayaw para sa mga taong nagnanais na makahanap ng tunay na pag-ibig at nag-aalay ng mga panalangin para sa kagalingan.
Bukod sa pasasalamat sa panibagong taon ng Mano Po San Roque, pinarangalan din sa banal na misa ang mga ina at mother figures sa pagdiriwang Mother’s Day bilang pagkilala sa kanilang mga paghihirap at marangal na sakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Kasunod nito, ang pagbabasbas ng mga bagong SWAT vans at mobile showers at toilets.
Sa pagtatapos ng isang linggong selebrasyon, isang solemne na prusisyon ang naganap na naghatid ng imahen ng San Roque pabalik sa kapilya kung saan isang musical jamboree na nagtatampok ng mga banda at artista ang nagpasigla.
Bago ang araw ng Mano Po San Roque fiesta, ilang aktibidad din ang idinaos noong Mayo 3 hanggang 11 para itakda ang kasiyahan kabilang ang paligsahan sa sayaw, pageant, singing contest, battle of the bands, at sagalahan.
Sinaksihan ang masiglang pagdiriwang ng San Roque Festival nina Senator WIN Gatchalian, Mayor WES Gatchalian, Mayoress Tiffany Gatchalian, Bianca Manalo, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)
-
NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy
PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes. “Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito […]
-
Magkakaroon ng ’thanksgiving tour’ ngayong Sabado: Reunion movie nina JOSHUA at JULIA, higit P320 million na ang kinita
AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You. Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito. […]
-
Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM
“ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.” Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day. Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health. “Ang kalusugang pangkaisipan […]