• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.

 

 

Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series of 2019, at Ordinance No. 1110, Series of 2023 na pinamagatang “An Ordinance Granting Financial Assistance to every graduating elementary and senior high school students and additional financial grant to the top five (5) honor students in all public schools in Valenzuela City.”

 

 

Gaya ng nakasaad sa ordinansa, ang karagdagang financial grant ay ibinibigay sa top 5 honor students bukod pa ang naunang Php1,500 educational incentive para kilalanin ang kanilang academic achievements tagumpay sa buong school year.

 

 

Mula Mayo 15 hanggang Mayo 18, si Mayor WES Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ay mamimigay ng educational incentives sa mga magtatapos sa grade six students sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa lungsod kung saan nasa 2,098 benepisyaryo ang nakatanggap na.

 

 

Binati ni Mayor WES ang mga mag-aaral na nagtapos at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga kawani na matagumpay na natapos ang school year.

 

 

“Hindi naman po ganoong kalakihan ang ibibigay po ng lokal na pamahalaan, ngunit kahit papaano po sana makatulong ito sa inyong mga gastusin at higit sa lahat, sana ito po’y maging motibasyon natin na lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-aaral sa susunod na school year.” pahayag ni Gatchalian.

 

 

Samantala, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pampublikong senior high school ay magsisimula sa Mayo 20 hanggang 21, 2024. (Richard Mesa)

Other News
  • Training ng PBA teams simula na ngayon sa Pampanga

    Makakapagsimula nang mag-ensayo nga­yong araw ang mga PBA teams sa Pampanga na magandang senyales na abot-kamay na ang restart ng PBA Season 46 Philippine Cup.     Unang aarangkada sa ensayo ang Alaska at Barangay Ginebra na nasa morning schedule ng liga.     Parehong alas-8 ng umaga ang training ng dalawang tropa kung saan […]

  • Golden State Warriors isang panalo na lang para maibulsa ang korona sa NBA Finals

    TATANGKAING tapusin na ng Golden State Warriors ang serye sa Game 6 sa darating na Biyernes, makaraang mamayani kanina laban sa Boston Celtics sa Game 5 sa score na 104-94 para umabanse pa sa serye sa 3-2 sa NBA Finals.     Ang Game 6 ay doon naman gaganapin sa homecourt ng Boston na magsisimula […]

  • Ads February 15, 2024