• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU nagbigay ng dagdag na 25 bagong dump trucks sa WMD

SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga.

 

 

Ang pananaw ni Mayor WES na ibahin ang anyo ng Valenzuela sa isang maunlad at buhay na komunidad ay higit na ipinakita sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dump truck na bawat isa ay nagkakahalaga ng P1,973,684.21.

 

 

Ang WMB ay nayroon na ngayon 63 dump trucks na makakapaghatid ng mas maagap na mga serbisyo sa pangongolekta ng basura na tumutugon sa mga pangangailangan ng Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Sa flag-raising ceremony noong March 4 na ginanap sa Action Center, Brgy. Dalandanan, inanunsyo ni Mayor Wes ang pagtaas ng salary, hazard pay at PhilHealth coverage ng mga dump truck driver, paleros, at kamineros dahil para sa kanya, kapakanan ng mga manggagawa ng Valenzuela angn inuuna.

 

 

“Tuloy ang Malinis na Valenzuela, Tuloy ang Progreso, yan po ang objective natin. Noong november ay nagturn-over na po tayo ng 38 na dump truks, at ngayon ay ginagamit na po silang lahat. Dadagdagan po natin ng 25 pang dump trucks kaya totalling na tayo ng 63 na bagong dump trucks. Wala na pong rason para hindi ma-pick up ang inyong mga basura. PhP 125 Million po ang inilaan natin dito para po maging mas efficient ang pag-kolekta natin ng basura. Maipagmamayabang po natin na hindi po tayo sumasalalay sa mga kontratista, dahil sa buong Metro Manila, tayo lang po ang nag-ooperate ng sariling waste management office. Ang higit po nating 306 na mga palero, mula ho sa salary na PhP 425.45 ay itinaas na po natin sa daily rate na PhP 522, itinaas din po natin ang kanilang hazard pay mula PhP 46.80 na ngayon ay PhP 63.80 na. Ang mga driver po natin na dating PhP 528.55 ang sweldo ay itinaas na rin po natin sa daily rate na PhP 557.91, ang kanilang hazard pay na PhP 54.08 ay PhP 73.75 na ngayon. Kaya sana ay maging motibasyon at challenge at lalong pagbutihin ang kanilang mga trabaho.” pahayag ng punong lungsod.

 

 

May mga bagong CCTV camera naman ang ikakabit sa 36 na lugar para matukoy ang mga taong labag sa batas na nagtatapon ng basura sa mga pampublikong kalye at kalsada bilang bahagi ng proyekto ni Mayor WES na “HuliCam”. (Richard Mesa)

Other News
  • PCSO chief Robles, pinagbibitiw

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.     “It is accessible to anyone, even to young children whose […]

  • Malakanyang, walang nakikitang timeline sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

    SINABI ng Malakanyang na hindi pa nito alam kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila.   “Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.   Ang Kalakhang Maynila kasi ang epicenter […]

  • INSIGHT 360 Films, Releases Teaser MV for the RomCom film ‘Miss Q & A’

    INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi.   Directed by award-winning filmmaker Lemuel Lorca and produced by Chris Cahilig, “Miss Q & A” tells the story of a romantically frustrated pageant trainer and […]