• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VALENZUELA LGU NAGBIGAY NG MGA BAGONG DUMP TRUCK SA WMD

PARA sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan, nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga bagong 38 dump truck at tatlong heavy equipment na sasakyan sa Waste Management Division (WMD) at Public Order at Safety Office (POSO).

 

 

Ang bawat unit ng dump truck ay nagkakahalaga ng PhP 1,973,684.21, habang ang excavator ay nagkakahalaga ng PhP 8,888,888.00, samantala ang wheel loader ay PhP 7,358,888.00, at ang aerial platform ay PhP 6,995,000.00

 

 

Ang mga bagong dagdag na sasakyan ay para sa WMD at POSO’s Sidewalk Clearing Operations Group sa pagsasagawa ng kanilang mga serbisyo at tungkulin para sa Pamilyang Valenzuelano, partikular sa pangongolekta ng basura; at pagtiyak na ang lahat ng bangketa ay malinis.

 

 

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Mayor WES Gatchalian na ang mga dump truck na ito ang magiging solusyon para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lungsod,

 

 

“Tayo po, ang ating bayan ay nakilala bilang isang malinis at maayos na lungsod. Ito na po ang sagot para mapanatili natin at ituloy natin ang kalinisan sa ating mahal na lungsod.” aniya.

 

 

Kamakailan, ang Valenzuela ay nakatanggap ng Plaque of Recognition sa panahon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Urban Governance Exemplar Awards 2023 para sa epektibong pagpapatupad ng Lungsod ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program kung saan bahagi ng mandamus nito ay ang Solid Waste Management.

 

 

Nakiisa rin sa turnover ceremony sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, miyembro ng Sangguniang Panlungsod, POSO Head Mr. Jay Valenzuela, Public Sanitation and Cleanliness Head Mr. Noel Delesmo at WMD Officer-in-Charge Ms. Mayette Antonio. (Richard Mesa)

Other News
  • COVAX, nangako na papalitan ang mga expired vaccines

    WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging commitment ng Covid-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility na palitan ang 3.6 milyong doses ng bakuna sa bansa na napaso’ na o expired na.     “That’s nice of them to do that. It’s a distinct humanitarian sentiment,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the […]

  • MEGAN, ibinuko ni MIKAEL na mas naaalala pa ang birthday niya kesa sa anniversary nila

    NAG-CELEBRATE ng kanilang 11th year anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.     Dalawang taon pa lang silang kasal, pero nine years nilang in-enjoy ang magkaroon ng relasyon sa pamamagitan nang pagbiyahe sa iba’t ibang bansa.     Natigil lang ang hilig nila sa pag-travel noong magkaroon ng pandemic noong 2020.     […]

  • DSWD, puspusan ang pamamahagi ng FFPs at iba pang kits sa mga apektado ng Bagyong Carina

    WALANG patid ang pagpapaabot ng tulong at pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng Family Food Packs at iba’t ibang kits sa mga kababayan nating apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina.       Ilan sa kanilang hinatiran ay ang mga bayan ng Odiongan at San Andres sa Romblon, at sa mga pamilya […]