• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan.
Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. Dorothy Evangelista, ay nagtungo sa Oriental Mindoro upang pormal na i-turnover ang donasyong mga bigas, at personal na masuri ang kalagayan ng lalawigan kung saan sila ay malugod na tinanggap nina Oriental Mindoro Governor, Humerlito Dolor, Vice Governor Ejay Falcon, at Pola Mayor Jennifer Cruz.
Ang Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela, ay nagpasa ng Resolusyon Blg. 2748, Serye ng 2023 na nagpapahintulot kay City Mayor WES Gatchalian na maglabas ng nasabing halaga bilang tulong sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Ito’y matapos ang isang deliberasyon na pulong na ipinatawag ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council noong March 9 na nagtapos sa rekomendasyon na magpasa ng isang resolusyon na makatutulong upang maibsan ang sitwasyon ng mga apektadong lalawigan at mga residente nito.
          Kabilang ang mga apektadong munisipalidad na makakatanggap ng rice donation, ang probinsya ng Oriental Mindoro, mga munisipalidad ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.
Other News
  • MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094

    Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”.   Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa […]

  • DOFIL, mangangailangan ng P1.19b pisong pondo –DBM

    MANGANGAILANGAN ng P1.19 bilyong piso para pondohan ang panukalang Department of Overseas Filipinos (DOFIL).   Ito ang inihayag ni Director Emelita Menghamal ng Department of Budget and Management (DBM) Systems and Productivity Improvement Bureau matapos ang isinagawang deliberasyon DOFIL sa Senate Committee on Labor na pinamunuan ni Senator Joel Villanueva bilang chairman ng komite.   […]

  • VP Leni Robredo, mga anak lumipad pa-New York

    LUMIPAD  pa-New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng kanyang bunso na si Jillian at gugulin ang oras kasama ang kanyang pamilya.     Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Aika, anak ni Robredo, ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng […]