Valenzuela LGU pinasinayaan ang bagong boardwalk, inilunsad ang unang walkathon
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “The Valenzuela Boardwalk”; isang 1.3 km ang haba na floodwall na may linear park at bike trail na sumasaklaw sa mga Barangay ng Coloong, Tagalag, at Wawang Pulo na layunin nito na magtaguyod ng malusog na pamumuhay para sa mga Valenzuelano
Ang Valenzuela Boardwalk, ay idinisenyo para sa mahabang pagtakbo, health walk, at cycling activities para sa Pamilyang Valenzuelano. Ang linear park ay orihinal na itinatag bilang isang flood control dike upang kontrolin ang daloy ng tubig sa pagitan ng mga nabanggit na barangay at Meycauayan, na kalaunan ay naging isang ligtas na lugar na libangan para sa mga aktibidad ng pedestrian.
Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian, Gng. Tiffany Gatchalian at pamilya, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at ang Sangguniang Panlungsod ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng Valenzuela Boardwalk.
Kasunod nito, inilunsad din ng lungsod ang una nitong walkathon kasama ang mga senior citizen kung saan isang masayang paglalakad na nagtatampok ng humigit-kumulang 200 Valenzulenong senior citizen na miyembro ng OSCA-Alliance of Senior Citizens.
Binagtas ng mga senior citizen ang 600 metro na bahagi ng boardwalk, upang ikampanya ang malusog na pamumuhay at galaw ng katawan sa mga matatanda. Upang matiyak ang kanilang kaligtasan, naglagay ng water station, medic, at mga rescue team na naka-standby.
Isinagawa din ang libreng go-karting activity para sa mga batang edad 4 hanggang 7 na ginanap sa kabilang kalahati ng boardwalk abutin ng ng dalawang araw kung saan nasa sampung go-karts ang sponsored ng Pedway Go Kart.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor WES na ang boardwalk ay nagsisilbi hindi lamang bilang isang recreational space kundi bilang isa rin sa mga flood-control initiatives ng lungsod.
Ang Valenzuela Boardwalk ay bukas araw-araw mula 5:00 AM hanggang 10:00 PM. (Richard Mesa)
-
Teacher arestado sa intentional abortion
Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city. Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) […]
-
Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!
MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France. Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup […]
-
PBBM, balik Pinas mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand
NAKABALIK nang muli sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand. Nakarating ang pangulo sa Pilipinas kasama ang iba pang Philippine delegation bandang alas-10:39 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 19, 2022 […]