• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan

Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

 

Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, Series of 2020, na awtorisado ni Mayor REX Gatchalian na maglalabas ng pondo mula sa General Fund para sa probinsya ng Cagayan at sa mga nasasakupan nitong munisipalidad ng P2,200,000 halaga ng bigas at P1,800,000 cash naman para sa probinsya ng Isabela at mga sakop din nitong munisipalidad.

 

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kasama si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Rovin Feliciano, at Senator Win Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa naturang mga probinsya.

 

Nabatid na malawakang pagbaha ang naranasan ng naturang mga probinsya matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam kung kaya’t libu-libong mga kabahayan ang nawasak at lumubog sa tubig baha.

 

Ayon sa NDRRMC, nagtala ng P4 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa mga binahang palayan, P6 bilyong halaga ng mga pinsala sa imprastraktura at 73 ang namatay kung kaya’t isinailalim sa State of Calamity ang naturang mga probinsya.

 

Kamakailan, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng P 6 milyon financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at mga munisipalidad sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, at Catanduanes. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads February 23, 2024

  • 12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

    PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.     Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]

  • Kaya masayang-masaya ang AlDub fans: ALDEN at MAINE, muling nagkasama bilang endorsers at nag-shoot din ng TVC

    MASAYANG-MASAYA at labis ang pasasalamat ng mga fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na after ng huling endorsement nila na isang delivery service, ay muli silang magkasama ngayon.      Naging endorser din sila ng isang selling app, pero photo shoots lamang iyon at minsan silang nagkasama sa monthly live […]