Valenzuela, nakuha ang 1st Place sa 2024 National Literacy Awards
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-UWI ang Lungsod ng Valenzuela ng isa pang major award at tinanghal na Gawad Liyab 1st Placer para sa Outstanding Local Government Unit – Highly Urbanized/Independent Component City Category sa 2024 National Literacy Awards ng Department of Education sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council (LCC) sa Mandaue City Cebu.
Kinilala ang pambihirang paghahatid nito ng kalidad at inklusibong edukasyon para isulong ang literacy sa pamamagitan ng award-winning na Education 360 Degrees Investment Program, nasungkit ng Valenzuela ang 1st Place sa National Literacy Awards (NLA) ngayong taon.
Ang Gawad Liyab ay isa sa mga kategorya ng NLA na ibinibigay sa mga LGU at NGO na nagpatupad ng mga programa, patakaran, at proyekto ng literasiya na nagpabuti ng kalidad ng buhay sa mga komunidad.
Ayon sa LCC, sinasagisag ng Liyab ang maalab nitong hangarin na makamit ang layunin nitong gawing pangkalahatan ang literasiya sa konseho sa suporta ng mga stakeholder at mga kasosyo.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor WES Gatchalian ang kanyang kaligayahan sa pagkakamit ng tatlong pangunahing parangal ngayong taon.
“Ako na ho ata ang pinakamasayang Mayor sa buong Pilipinas dahil tayo ay nagkamit ng tripleng panalo para sa Pamilyang Valenzuelano.” Aniya.
“Iisa lamang ho ang ating layunin, at ito ang magbigay ng dekalidad na edukasyon at serbisyo sa bawat Valenzuelano–isang misyon na sinimulan ni Senator WIN dalawang dekada na ang nakakaraan, na isinulong ni Secretary REX, at ngayon ay patuloy nating pinagtitibay.” dagdag niya.
Nagkamit din ang Valenzuela City ng espesyal na parangal bilang Outstanding Financial Literacy Program mula sa Cebuana Lhuillier Foundation sa parehong kategorya.
Ang National Literacy Awards ay isang biennial search para sa mga namumukod-tanging LGU at NGo na naghahatid ng pinakamahuhusay na kasanayan sa literacy na tumutulong sa pag-alis ng kahirapan, pagbibigay ng mga pagkakataon sa kabuhayan, pagtugon sa mga pangangailangan sa welfare, pagtataguyod ng kalayaan, at gawing accessible para sa lahat ang mga pasilidad sa edukasyon. (Richard Mesa)
-
Ads June 15, 2021
-
Number coding, maaaring mapalawak sa Kalakhang Maynila ngayong Alert Level 1 na- MMDA
MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong sumailalim na sa Alert Level 1. Ang pahayag na ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim […]
-
P.2M shabu nasabat sa Malabon, Navotas buy bust, 3 kalaboso
AABOT sa mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug personalies, kabilang ang isang babae matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust […]